Walk Away

1.5K 44 19
                                    

If you don't go now then you'll stay. 

Kai,

Miss na miss na miss na kita. Miss ko na 'yung dati, 'yung lagi tayong masaya, magaan pa lahat ng bagay puro tawanan pa. Nung bago pa. Nung panahon na ilang oras, araw, linggo, at ilang buwan pa lang tayo magkakilala.


Pero mas gusto ko ang ngayon kasi boyfriend na kita.


Kai, tayo na. Masaya ka ba?


Mahal kita. Minsan ko lang sabihin 'yan. Minsan nahihiya pa ako sabihin sa 'yo sa phone pero mahal kita. Di naman kita sasagutin kung hindi 'di ba? Pasensya ka na sa init ng ulo ko pero nagkakaganon ako pag pakiramdam ko wala kang pake sa 'kin.


Mahal kita. Sobra.


Kinakain ako ng konsensya tuwing nasasabihan kita ng masama. Lalo na nung nanliligaw ka pa. At ang mali pa, binabasura ko ang konsensya dahil mas pinahahalagahan ko ang pride ko pag nag-aaway tayo.


Pasensya na.


Sana 'wag ka magsawa.


'Wag magsawa intindihin ako, suyuin ako, lambingin ako. Kapag sinasabi kong 'di kita mahal...gutom lang ako! Galit lang ako! Magkakatotoo lang 'yon kung wala ka nang maririnig sa 'kin. Gusto talaga kita sobra. Sobra. Gusto ko magtagal tayo. Ikaw ang gusto ko sa future ko.


Kapit lang please at magtulungan tayo.


Parang awa mo na, sana 'di ka mapagod.


Tulungan mo 'ko maging kalma at pakiusap wag mo sasabayan ang galit ko ng init ng ulo. Pag napagsasabihan kita ng masama, alam kong nadudurog ko pagkatao mo dahil puro insulto lumalabas sa bibig ko. 


I'm sorry Kai. Hindi ito pwede i-justify ng galit ko. Pasensya ka na sadyang wala lang akong modo at di matigil ang basurang dila ko. Hindi ko na kilala ang sarili ko 'pag nagagalit sa 'yo.


Pero baby mahal na mahal talaga kita. Di ko man sinasabi parati, di man ako sumasagot ng "I love you too" sa I love yous mo, lagi man akong tinotopak, sana maalala mo na nandito ako.


Isang taon na tayo magkasama at mahigit, kilala na tayo ng mga pamilya natin.


Sinagot kita dahil mahal kita at may tiwala ako sa 'yo. Minsan ko lang talaga 'to sasabihin. Pasensya ka na kanina sa pagsabi kong hindi na mawawala galit ko. Na wala na akong tiwala sayo.


Hayaan mo ngayon promise. Burahin na natin lahat! Magsimula uli tayo sa umpisa. Magsimula ulit tayo. Lahat ng past mistakes nating dalawa, wala na. Lahat ng sama ng loob , 'yung nagawa mong makipag usap sa ibang babae kahit magkaaway tayo. Susubukan ko talagang burahin 'yun sa isipan ko.


Pero sana wag mo 'ko makakalimutan suyuin di porket tayo na...namimiss kasi kita.


Thank you sa araw-araw mong pagpapaload. Thank you sa paulit-ulit na pag intindi. Thank you sa pagbyahe mo parati para magkaron ng oras sa atin. Thank you sa mga pasalubong. Thank you sa mga halik sa pisngi at sa noo. Thank you sa pagpapa-init ng kamay ko pag nasa bus tayo. Thank you sa pagbubuhat ng gamit ko. Thank you baby sa pag ayos ng buhok ko. Thank you sa paggising sa 'kin sa umaga, sa pagsama sakin sa work (tuwing tinatawagan mo ako). Thank you sa pagtawag sa 'kin pag nagigising ako ng alanganin. Thank you sa gabi-gabing pagsama sa 'kin bago matulog.


Salamat dahil ginawa mo 'kong girlfriend mo. Sobrang swerte ko sayo! Sagad sa buto ang kasamaan at kaartehan ko pero tiniis mo lahat ng 'yun. Thank you sa mga yakap. Thank you sa pagsakay sa mga trip ko at pagsasabi sa 'kin kung gaano ako kaganda! At kung gaano mo ko kamahal. Thank you sa pagpapasaya.


I love you future partner in life. Please ingatan mo sarili mo. Ang health mo. Ang pagbyahe byahe mo. Alam kong korni pero ito ang nararamdaman ko. Bago ako magising at bumalik sa pagiging beast mode, gusto ko malaman mo 'to lahat. I love you sobra Kai. Sobra sobra. Mag iingat ka parati parang awa mo na. Kasama ka sa prayers ko tuwing dumadaan ako ng Edsa Shrine. Mahal kita. Mahal na mahal.


Minsan lang ako gan'to pagbigyan na.


Miss na miss na kita Kai. I love you. Sana pwede kitang mayakap ng mahigpit ngayon. Yaan mo pag nagkita tayo sa susunod gagawin ko 'yon.


Ito ang nararamdaman ko habang tinatype lahat ng 'to. Kapag nag away man tayo balikan mo lang ha. Basahin mo uli please. Kung ano man ako ngayon, kung ano man ang asta ko sa 'yo, kung ano man ang mga nasabi ko para balikan mo ang message na 'to dahil magkagalit tayo—pakiusap 'wag mo 'ko sukuan.


Please Kairen Sanchez. Please.


Rima 


K A IWhere stories live. Discover now