Story of Us

456 13 13
                                    

This is looking like a contest,  of who could act that they care less.

Saturday 12:54PM
Sana kumain ka na ng lunch Rima. Sana pansinin mna ako at patawarin mna ako. Mahal ko mag-iingat ka jan at sana hndi na masama pakiramdam mo. Ayusin natin to Rima please.

Saturday 12:54PM
Sana nagiingat ka at hndi m pinapabayaan ang sarili mo. Siguro nagpalit kana ng sim kac cannot be riched kana kanina ok pa kahit nakablock ako pero ngayon wala na, hndi mna siguro ako talaga papansinin, pero bago m sana ako iwanan mapatawad mko sa lahat ng pagkukulang ko sayo, miss na kta ilang araw ko nang hndi naririnig boses mo, ,nung pinuntahan nmn kta hndi na kta naabutan sa work m tinatawagan kta pero ayaw mng sagutin.

Yun ang nabasa kong messages nang tanggalin ang airplane mode sa phone ko.

Tuwing nakakatanggap ako ng mahahabang messages sa kanya na ramdam ko ang sincerity laging nangingilid luha sa mata ko.

Lumalambot ang puso.

Natutunaw ang galit.

Nakakaramdam ng matinding panlulumo sa sagutan namin.

Namimiss siya ng sobra.

Nagreply ako sa text niya,  reached hindi 'rich'

Tuluyan ko nang in-off ang airplane mode sa phone ko para macontact niya ako agad. Para pag tumawag siya or magtext marereceive ko agad.

Lumipas ang maraming oras...

Wala akong nareceive kahit response lang sa reply ko.

Hanggang sa tumawag siya ng 10pm.

Rima?

Rima magsalita ka naman o.

Please Rima,  miss na kita.

Miss na miss na kita,  bati na tayo.

"Nag-antay ako sa'yo."

Pasensya ka na.

"Sa'n ka galing? Ok na sana ako kanina kalma na ako kanina pero bakit wala ka?"

Hinintay ko siyang sumagot... Lumipas ang halos dalawang minuto na wala akong narinig.

"So tumawag ka para ano? Manahimik?" Huminga ako ng malalim, "Ano na!"

Rima please huminahon ka.

"HUMINAHON?!  PAANO AKO HIHINAHON KUNG TINATANONG KITA TAPOS MANANAHIMIK KA DYAN?!  TUMAWAG KA PA! PARA ANO? GINAGAWA MO KONG TANGA!"

Rima pasensya ka na,  lumabas ako para uminom.

"At nakuha mo pang uminom! Instead na maisip na suyuin ako,  mas pinili mong uminom! At anong oras ka uminom! Magdamag ba? Tanghaling tapat nag response ako sa message mo! Di mo ba dala phone mo?!"

Pasensya ka na, iniwan ko sa bahay...kasi akala ko di naman kita makakausap... Umalis ako. Tapos uminom kami nung hapon.

Nag-init ang ulo ko nang marinig ang dahilan niya. Huminga ako ng malalim. Maraming ulit ko itong ginawa para kumalma.

"Mula hapon hanggang 10 ng gabi uminom ka?"

Hindi naman,  may mga tinapos lang ako na gawain...

"Alam mo Kai,  kung totoong gusto mo makipag-ayos di mo iiwan ang phone mo kasi di mo sasayangin ang pagkakataon...kung gusto mo magkaayos at mahalaga ako, magkakaron ka ng kahit katiting na segundo para itext ako, tawagan ako kahit saglit. Para sabihing, 'Rima gusto ko mag-usap tayo, pero may gagawin muna ako.' "

Gusto kong isigaw sa kanya ba't di siya nag-iisip. Bakit di siya marunong ng alternative. Ng plan B. Bakit puro dahilan. Puro rason.

Sana naman Rima maintindihan mo na may mga gawain din naman ako. Hindi lang ang suyuin ka.

"Hiyang hiya naman pala ako sa'yo! Kasama pala pag-inom sa gawain mo no. O siya, baka busy ka pa?  Pasensya ka na. Sige na wag na tayo mag-usap."

Bakit ka ganyan!

"Ikaw ang bakit ganyan! Hindi ko naman maramdaman na gusto mo magkaayos kung parati mo kong iiwan sa ere! Kung ang maglaan ng kaunting oras para magresponse di mo magawa!"

Puro sarili mo lang inii--

Pinutol ko ang tawag.

Hindi na siya tumawag uli.

Ilang beses ko na sinabi sa kanya na wag na wag niya akong iiwan sa ere. Na kung gusto niya magkaayos gagawa siya ng paraan. Na sana wag siya tumigil...

Inabot ako ng madaling araw kaka-antay sa tawag niya.  Paulit-ulit binabasa ang mga messages noon. Paulit-ulit binabalikan ang pag-uusap namin kanina.

Please Kai,  wag naman tayo matulog ng may sama ng loob sa isa't-isa...

Gusto ko lang naman marinig na gusto mong magkaayos tayo. Maramdaman na gagawa ka ng paraan para mangyari 'yon. Na instead magdahilan malaman ko na tinatanggap mo na nawala sa isip mo na kamustahin ako,  magresponse,  o tawagan ako...

Kai, please...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 15, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

K A IWhere stories live. Discover now