Crazy In Love

716 20 6
                                    

My pride is the one to blame.


"Nag-away nanaman kayo ni Kai no?" Maagang bati sa 'kin ni mama nung makita niya ang namamagang mata ko.

"Bakit ba away bati kayong dalawa? Tigilan mo na nga Rima. Hindi na 'yan maganda." Nakasimagot na dagdag ni mama.

"Di ah." Mahinang sagot ko. Kumuha ako ng inumin sa ref at dali-daling umakyat ng hagdan papasok ng kwarto.

Binuksan ko ang laptop at ni log-in ang account ni Kai sa Facebook. Isang taon na mula nung gawin niyang password ang pangalan ko. Sabi ko di ko naman binubuksan ang account niya at wala akong balak, pero sa totoo lang, tuwing nag-aaway kami, hilig ko tingnan kung ano ba ang mga sine-share niyang posts.

Kai Sanchez shared The Better Man Project's photo.
April 19 at 3:10pm

Don't be afraid to let go.
Every new adventure begins
with ending of another
-The Better Man Project

So anong ibig niyang sabihin? Bigla-biglang namuo ang luha sa mata ko. Huminga ako ng malalim at tumingala. Napagod na siguro siya? Isang linggo na kaming di nag-uusap. Pero kasalanan naman niya e. Di naman ako makakapagsabi ng masama kung...

Pero mali pa rin Rima...

Pero kasi di ba galit ako? Alangan naman sabihin ko 'ok lang...hayaan mo na.' Kahit hindi ok at nasaktan talaga ako?

Rima naman, ang babaw lang ng dahilan e!

Mababaw siguro sa iba pero big deal 'to sa 'kin!

Ni log-out ko na ang account ni Kai at binalik sa account ko. Tinitingnan ko ang mga "On This Day" na mga post ko nitong mga nakaraang taon. Nakita ko na same day last year nanood kami ng sine.

Mas nalungkot ako lalo.

Ito 'yung araw na pagkatapos manood ng sine, naglakad kami mula SM Fairview hanggang Mary The Queen Parish at nasira ang suot kong heels. Magsisimula na ang misa at nag offer si Kai na bumalik ng SM para bilhan ako ng sandals.

Nung makabalik siya sa simbahan, nagpasalamat ako at sumandal sa kanya...Doon ko naamoy ang sigarilyo sa suot niyang T-shirt. Hindi ko siya pinansin buong magdamag hanggang sa makasakay kami ng jeep pauwi. Nakatingin ako sa labas ng bintana at pilit niya akong pinapalingon sa kanya. Pilit isinasandal ang ulo ko sa balikat niya. Paulit-ulit siyang bumubulong ng "I'm sorry Rima...hindi ko napigilan. Alam ko nangako ako... Rima, I'm sorry. Please. Baby, I'm sorry."

Bumaba ako ng Sandigan, nagmamadaling iniwan siya. Sakto naman na maraming tao nung hapon na 'yon. Hindi niya ako naabutan.

Pagdating ng bahay nakareceive ako ng maraming missed calls. Maraming messages. Nagising ako kinabukasan na may mga nobelang natanggap sa kanya. Maraming explanation, maraming pagsisisi, maraming 'please at sorry', maraming, 'pangako susubukan ko talaga huminto na.'

Tinurn-off ko na ang laptop at nahiga sa kama. Chineck ko ang phone ko.

Walang missed calls. Walang messages. Chineck ko ang inbox at ang conversation namin. Ako ang huling nagmessage sa kanya.

Parang may pumipisil sa puso ko. Bakit ganito na tayo?

Dumukdok ako sa unan. Asan na 'yung lalaking sinagot ko? Asan na 'yung lalaking nanligaw sa 'kin at di hahayaang madisappoint ako sa kanya?

Nagvibrate ang phone.

God...tumatawag siya.

Natuwa ako ng kaunti. Pero mas nangibabaw ang galit.

Bakit ngayon niya lang to naisipan? Bakit pinatagal niya ng isang linggo? Bakit di siya nagparamdam? Bakit magpapapansin siya ngayon lang?

Ang kapal ng mukha niya! Akala niya isang call lang ok na ang lahat? Bakit di niya ako sinesendan agad agad ng nobela tulad noon?


Nababaliw na siguro ako pero...

Tinurn-off ko ang cellphone.

Manigas ka, Kairen Sanchez.

K A IWhere stories live. Discover now