CHAPTER 3

277K 3K 199
                                    

Sofia Michelle’s POV

Nakarating na kami sa bahay at simula na ung welcome party ni carlo. Ako nandito lang sa kwarto kasi ayaw ko naman makidagdag sa ingay doon sa baba parang may gera na nga e. Ano pa nga ba party e?

Andon yung mga friends nila Mama at Papa. Nakakatamad lang na pag pinakilala nila ako don puro beso beso gagawin namin. Hahahaha

Biglang tumunog ung tyan ko. Nagugutom nako kaya no choice kung hindi bumababa. Hay bahala na basta nagugutom ako!!

“Oh there! Fia!! Come here” Narinig kong tawag ni Mama sakin.  Kaya nagmadali nako puntahan siya don sa place nya. Pagkadating ko don nagulat ako sa nakita ko.

"Is this real? Tita Bianca!!” Siya si Tita bianca. Childhood friend sya ni Mama. May dalawa siyang anak si Sasha at si Daniel. Kababata ko si Daniel Miss ko na ngaun ng sobra. Hindi na kasi kami nagkikita simula nung nag grade 6 dahil lumipat sya sa London para dun mag aral.

"Fia?" Tanong ni tita Bianca. Hindi yata ako namukhaan neto.

"Tita naman! nakalimutan mo na ko?" Tanong ko sakanya sabay  make face na malungkot. Paawa effect. Hahaha

"Ikaw ba yan fia? Lalo ka gumanda ah?" Tanong neto sabay hawak pa sa mukha at binigyan ko lang sya ng isang sweet na smile. Hahaha

“Hay nako Bianca. alam mo bang nerd yan dati ngayon lang siya nagbago ng pananamit pati itsura dahil don sa isang lalaki na sinaktan sya. Pag nakita ko nga yon sasampalin ko eh sinaktan nya bebe girl ko” Close kami ni mama.Lahat ng secrets ko nasasabi ko sakanya. Syempre close nga kami e parang barkada lang din kami kung magturingan nyan.

"Mama! Shh ka lang. Hahaha by the way. Tita where's daniel and sasha?" Tanong ko sakaniya. Sana naman kasama din nya.

"Si Daniel andyan lang sya. And sasha, nasa London pa. Hindi na namin nasama pero kinakamusta ka nya” Sabi neto. Sayang naman wala si sasha. Pero nagugutom na talaga ako e.

"Ganon po ba? Sige ta, kain muna ko ha? Ma? Kain muna ko. Gutom na bebe ko sa tyan” Paalam ko sakanila at nakipagbeso beso.

"Sige Iha! Hanapin mo si Daniel ha? Miss na miss ka na non!" Sabi ni tita na ikinatuwa ko naman. San na kaya si paps. Yes paps. Paps kasi tawag ko sakanya since grade 1 ako. Di ko din alam kung bakit pero yun nadin nakasanayan kong tawag sakanya. Kilala sya nila Macy at Cliché.

Nakaupo na ko ngayon sa isang table kumakain magisa. Nagaaway pa kasi sila Macy at Carlo e kelan kaya matatapos awayan nung dalawa. Hays. Anw, Start na pala ng klase bukas. Nakakatamad naman pumasok. Bitin pa ung bakasyon.

Bukod sa bitin ang bakasyon. Ayaw ko pang Makita ung dalawang nakasakit sakin. Si Yssa at Michael. Ang sakit lang talaga isipin na ginamit ako ni Michael para magkalapit sila ni Yssa. At ang sakit lang kasi pinagmukha kong tanga ung sarili ko at minahal isang taong hindi naman ako kaya mahalin.

Pinatagal ko pa ung relationship naming. Sana hindi na. Sana simula palang umayaw nako. Sana hindi nako nasasaktan ng ganito. Hay. Makakamove on ka din fia. Tiwala ka lang.

Nagulat nalang ako sa kung sino ang naupo sa table ko. Madilim kaya hindi ko masyadong nakita. Sino ba 'tong kumag na to na naupo sa table ko?

"Te-teka..S-sino k-ka?" Sabi ko na medyo nauutal pa kasi kinakabahan ako kung sino sya.

"Hi Sofia Michelle, Miss me?" Huh? Miss me daw? Tsaka bat nya ako kilala? Sapakin ko pa sya e.

"Huh? Sino ka ba? Tsaka bakit mo ko kilala?" Tanong ko sakanya? Baka mamaya rapist ‘to. O teennapper. O kaya party crasher!!!

N.E.R.D turns to a CAMPUS PRINCESS (Soon to be Published under LIB)Kde žijí příběhy. Začni objevovat