CHAPTER 36

141K 1.5K 77
  • Đã dành riêng cho Patipot , AbishGale , Playful_kiss19 , Hanamin07 , Galeu24 , JosephineRoseRicabl
                                    

Sofia Michelle’s POV

SATURDAY, OCTOBER 17 

Time flies so fast, 1 year na kami. Hehe. Natuwa lang naman. Uuwi na kami bukas, Ayoko na talaga dito sa France nakakamiss kasi ang pinas.

6:00 na pero wala hindi sinasagot ni zamy ung calls ko sa kanya. Nakakailang tawag na din ako

Ano kayang plano ngayon ni Zamy, ang hindi ako pansinin? Matawagan nga muna, sana this time sagutin naman nya.

[Hello?] Mukhang bagong gising ha? Nakatulog siguro to kaya hindi sinasagot calls ko

Zecariah Anthony’s POV

SATURDAY, OCTOBER 17. It’s our first anniversary. Syempre, Hindi ko makakalimutan ang araw na pinakamahalaga sakin, samin.

Ang araw na sinagot nya ako.

Ang araw na hinahantay ko..

Ngayon ding araw..

Hahantayin ko din ang sagot nya..

Sa may dagat malapit sa tinitirhan nya ngayon. Alam ng parents ni Michelle 'to and ang mga friends nya sa pinas? Andito para sa support.

*Kring Kring..* 

Calling Wifey’ko <3

 "Hello?" syempre I will act na mukhang bagong gising and I will also act na nakalimutan ko.

[Goodevening Hubby!! I've been calling you like 40 times. Anyways.. Happy 1st Anniversary to us!] 

"Ok.. Sige na I'm busy" I know na pwede syang magalit pero mawawala din un pag nalaman nya ung surprise ko. With that inend call ko na.

Anyways, Andito nga ako sa beach na sinasabi ko. Remember our first Monthsary? Ganun din ang gagawin ko ngayon.

"Macy, okay na ba?" 

"Yep okay na okay Two Thumbs Up!!" Andito si Nicole, Macy, Cliche and relatives namin. sinabi ko kasi kay Daddy at Mommy plano ko e.Pupuntahan ko muna si Wifey sa bahay nila baka nagalit sakin e.Nakarating na ako sa bahay nila Michelle..

Hindi na ako ng Door bell,

"Oh why are you here? Akala ko ba, Busy ka?” Pagtataray nito sakin.

"Busy loving you. Tara nga.." Hinila ko na sya maayos naman suot nyang damit e.

"Tsk kanina lang napaka sunget mo.. Tss.. Bipolar" 

Sofia Michelle’s POV

[Hello?]

“Goodevening Hubby!! I've been calling you like 40 times. Anyways.. Happy 1st Anniversary to us!” Oo halos 40 times na, at ngayon nya lang sinagot.

[Ok. Sige na I'm busy] PUTEK! NAKAKAINIS HA! NI HINDI MAN LANG AKO NAGAWANG BATIIN! LAGI NA LANG BUSY PUTEK!

*toot toot* inend call na nya  

Naiinis ako! Sarap patayin nun! wag syang papakita!

*kruu kruu*  Gutom na ako, Bumaba ako para kumuha ng ice cream.Naiinis kasi ako.

Bigla bumukas ung pinto, Nakita ko may pumasok na isang gwapong lalaki este nakakainis na lalaki!

"Oh why are you here? Akala ko ba, Busy ka?"

"Busy loving you. Tara nga.." CHE! BUSY LOVING ME MO MUKHA MO! Bigla naman ako nito hinila.

"Tsk kanina lang napaka sunget mo.. Tss.. Bipolar"  Sinakay nya ako sa kotse nya.Hindi pa nga ako nakakapagpalit ng damit e.

"San mo ba ako dadalhin?!" Napalakas na ata boses ko. Naiinis padin kasi ako.

Hindi sya sumasagot, patuloy padin sya sa pagddrive.

"Putek! San mo sinabi ako dadalhin eh!?" Hindi pa din sya sumasagot. Sinusubukan ata ako neto e.

"Ihihinto mo tong car o sasagot ka?" Pananakot ko sakanya.

"Sasagot" yun naman pala e, Okay kalma fia. Kalma.

"San mo ko balak dalhin..." Kalmado kong sabi sakanya.

"Somewhere that can make you happy.." Somewhere? That can make me happy?

"H-huh?" Tanging sagot ko. Naguguluhan kasi ako 

"Just wait.. Wear this blindfold first.." Ayan na naman ung walang katapusan na blind fold, pero nilagay ko pa din ung Blindfold.

Alam ko na another surprise, Maya maya hininto nya ung kotse. Narinig kong sumara ung pinto sa may driver seat at bumukas ung sa pinto sa tabi ko.

Kinuha nya ung kamay ko at inalalayan ako bumaba.

Beach na naman 'to lumulubog na naman ung paa ko, naka slippers lang ako ngayon.

May nagtanggal ng blindfold ko, Yacht. Nasa yacht na naman ako. Tiningnan ko yung nagtanggal ng blindfold ko. Hindi si Hubby, kundi si Macy. Biglang nag ka music.

Now Playing: Back at one by Brian McKnight 

"Macy yah? what are you doing here?" Tanong ko dito.

"Shh.. Just keep quiet" Sabay wink sakin. Nakita ko si Cliche na lumalapit sakin..

"Take your sit ma'am"

"Cliche?"

"Sit Down Princess.." Princess?

"Hyung?" Naguguluhan ako.. Bat sila andito? 

"Shh.." sabay action nya nung parang basta. Hindi pa din nagstostop ung music.

"May I dance with you?" Tiningnan ko kung sino nagsabi non.

"Tito?" Wala nab a ak iba gagawin kundi mag tanong at magtaka? Inabot ko naman kamay ko sa kanya

"Just say yes okay? haha" yes? Para saan? Tumango nalang ako kahit wala ako maintindihan. Umupo na kami.

"Good evening my friends. Her friends.. My parents.. and soon to be my in laws.." Si Zamy..

"Michelle..." bumaba sya sa stage.. at pumunta sakin. Kinuha nyo ung kamay ko at lumuhod..

May dinukot sya sa bulsa nya..

Its a red box. He opened it.

A ring..

"Will you marry me?" and with that.. umiyak ako..

Speechless. Tumango ako. Walang boses na lumalabas sa bibig ko. I am so Happy.

"I want you to say the magic word.." Sabi nya na nakangiti pero halata sa mata nya na medyo naluluha.

"Yes *sob sob* i will marry you"  Nilagay nya ung singsing sa kamay ko,Tumayo sya and hugged me. I hugged him back.

"Thank you.." Speechless. I’m so speechless. Wala akong magawa kundi umiyak sa sobrang saya.

"I love you.." sabi nya..

"I love you too.. *sob sob*"

"SO KELAN KASAL?" biglang sigaw ni Cliché. Nagtawanan naman kami. Kung dati boyfriend ko lang sya, Ngayon, he’s my fiancé and soon to be my husband..

N.E.R.D turns to a CAMPUS PRINCESS (Soon to be Published under LIB)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ