Pagpag

98 3 0
                                    

Annyeong! Hahaha. Habang nakasakay ako sa jeep kanina, katext ko yung isa kong kaibigan. Di yata kami matutuloy sa panonood ng Pagpag kasi wala daw silang mga datung. Awtsu. Namasko pa naman ako para don. Jusko T____T Bwahaha. 

Ganito kasi yung problema ehh. Yung best friend ko naman talaga ang kasama ko sa panonood. Isasama niya ang boyfriend niya na isasama ang tropa niya na tropa ko.  Tapos dahil kasama na ang tropa ni boyfriend ni best friend,  sasama na din si crush na tropa din namin. Gets niyo? HAHAA. Basahin niyo ulit. Ge. Tapos ganito nangyari. Hindi makakasama si best friend kasi Pasko nga diba? Nasa ibang lugar siya. Baka sa pasukan pa ang uwi. So paano na yan?

Wala na si best friend --> Di na sasama boyfriend niya. Malamang. 

Di na sasama si boyfriend --> Wala na rin si tropa.

Wala na ang tropa --> Di na sasama si crush. 

Paano na ako? Huhuhuhu T___T Kaya ayon, pinapangarap ko pa naman na makatabi si crush sa panonood ng sine. Pero ajuju. Yon,wala na. Kaya eto naisip kong gumawa ng storya.

ANG HABA NG INTRODUCTION!!!

-

Pinagamatan ko ang storya na ito na "Pagpag" kasi Pagpag papanoorin namin T____T Jusmiyo. Pasensya na kung korni ito, ito ay hango lang sa imaginasyon ko.

This should've happen. Enjoy!

"Oh ano kelan?" sabi ni Ves sabay akbay sa kanyang girl friend na si Annie. Tumingin silang dalawa sakin habang ako nakaupo ako sa lamesa dito sa cafeteria.

"Sa December 28, Ves. Okay kayo?" Nagkatinginan naman silang dalawang magsyota at ibinalik sakin ang tingin. "Sabado yon" dagdag ko pa.

"Game!" sabi ni Annie. Ito nga pala ang best friend ko. Lahat ng gimik kasama ko siya. Pero since may boyfriend na siya ngayon. Yes lumalablayf si best friend. Hahaha. Kasama na din namin sa gala. Pero minsan lang. Mabait naman tong si Ves. Mahal niya talaga si Annie. And besides, di mahirap pakisamahan si Ves dahil may isa't kalahating utak hayop ito. I mean, napakakwela. Hindi ka mabobore kapag kasama mo siya. 

"Sino pa kasama natin? Tayong tatlo lang?" tanong ni Ves tapos inilapit niya si Annie sa kanya. Hayy. Ang landi talaga ng dalawang ito. Kaya sinamaan ko sila ng tingin tapos nagtaka sila. Aba lakas ng loob magtaka. Hahaha. I glared at their "akbay" tapos tumawa lang si Ves. 

"Ikaw naman. Inggitera masyado. Oh yan na yung sayo. Papalapit na" tinuro niya sa may parteng kaliwa niya yung paparating. 

Oh my golly gow! Shet shet shet! Waaaaaaaaaaaaaaaa!

De joke lang.

Di naman ganoon ang reaksyon ko ng makita kong papalapit si Ice. Yes, si Ice. Si Ice Berg lang naman ang nagiisa kong minamahal. Walang halong biro yan ang pangalan niya. Ice Berg. Di ko alam kung bakit gustong gusto ko siya. Yes naman lumalabyalf din ako. Parehas kami ni best friend. Yon nga lang, iba yung sakin. 

One-sided love lang.

Ako lang ang nagmamahal. Bwisit.

Ng palihim.

Oo ng palihim. Katropapipz ko rin kasi tong si Ice. Best friend siya ni Ves. Kwela din to. Mukha nga lang poste. Hahaha. Sorry na. Sobra kasi niyang tangkad. Hanggang balikat nga lang niya ako. Tapos ang payat pa niya tingnan kaya yon.

Payatness + Tallness niya = Mukha siyang poste ng Meralco.

Pero ice lang! Kasi gwapo naman siya. Matalino. Mabait. At gwapo. Ay nasabi ko na ba? Hahaha. Basta gustong gusto ko siya.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon