Liham ng Pagmamahal

520 3 0
                                    

2014 na pala. 

Ang bilis ng taon no? Teka, reminisce muna ako sa lahat ng nangyari ngayong taon na ito. 

Hindi kita sinusunod.

Kasi paminsan minsan, tinatamad akong sundin ang mga sinasabi mo. 

Tinatamad ako. At minsan pa nga, mas sinisipag ako na magwalanghiya sa buhay. Magluho. Gawin ang lahat na ayaw mo. 

Ayaw mo na napapahiya ako diba? Pinapahiya ko mismo ang sarili ko. 

Ayaw mo na napapahamak ako diba? Pinapahamak ko mismo ang sarili ko. 

Minsanan na lang din kita makasama.

Kasi nga, mas nagugustuhan ko na ngayon ang magliwaliw sa buhay. Mag-Facebook, mag Twitter, mag Tumblr, at kung ano ano pa! Tsaka alam mo ba nanood kami ng mga kaibigan ko ng sine noong isang araw. Ang saya nga namin e! Naubos nga lang pera ko. Hahaha. 

Di na rin pala kita nabibigyan ng regalo no?

Ang walanghiya ko talaga. Kasi alam mo na, gutom na ako ngayon lagi. Di ko nga alam kung bakit. Tapos alam mo ba ang pera ngayon, sa isang iglap. Nawawala na lang agad? 

Di na rin pala kita nabibisita dyan sa inyo.

Alam mo na, busy sa projects, busy sa kaibigan, busy sa lahat. Noon nakakapunta pa ako sa inyo no? Yaan mo, kapag nagkatime ako. Bibisitahin ulit kita. Pag nagkatime ha? Di ako sure.

Minsanan na rin pala kita makausap no?

Ikaw naman kasi! Di ka marunong magloko sa buhay. Lagi gusto mo seryoso. Kaya minsan tinatamad na rin akong kausapin ka. Tinutulugan na nga lang kita minsan. Pansin mo ba?

Pero alam mo? May narealize ako. Gusto mo sabihin ko sayo? Syempre, sasabihin ko sayo ngayon. Siguro nasabi ko na rin ito sayo noon, sasabihin ko ulit. 

Napakasama ko pala sayo. Sorry ha?

Nakakailang sorry na ba ako sayo? Alam ko sa talino mong yan, kaya mong bilangin yon! Ikaw pa, dabest ka e! Pero wag mo ng bilangin kasi mapapahiya lang talaga ako sayo. Marerealize ko lang kung gaano ako kasama sayo ulit.

At kung gaano mo ako kamahal.

Mahal na mahal mo ako no? Nakakaiyak nga e. Alam mo yun? Gusto kong pantayan yung pagmamahal mo sakin pero bakit ba hindi ko magawa? Inborn na siguro sakin yung kalokohan ko. Pero ayoko ng ganon kaya nga kinausap kita ngayon e. 

Salamat kasi mahal mo ako. Mahal na mahal. 

Kahit di kita sinusunod, patuloy mo pa rin akong ineencourage na gawin yung gusto mo. At yung gusto mo naman, yun yung nakakabuti para sakin. Minsan nga, di kita sinusunod kung walang prize. O kumbaga, suhol. Ang sama ko no? Pero salamat kasi marunong ka naman magdisiplina. Perfect ka talaga no? Astig! Balanse na balanse ka kung kumilos. Solid ka. 

Pasensya ka na nga pala ULIT kung di kita nakakasama masyado ngayon. Sabi ko nga sayo, busy diba? Pero bakit ikaw, kahit busy ka, teka. Kelan ka nga pala naging busy para sakin? Hahaha. Parang wala naman. Kasi alam mo, kada titingin ako sayo. Nakangiti ka sakin. Kada hihingi ng tulong, bibigyan ng tulong. Kada kailangan ko ng mayayakap. Yayakapin mo ako.

Nakakatuwa nga. Noong nagbreak kami ng jowa ko, noong di ako nakapasa sa audition at sa exam noon, noong may problema sa bahay? Lalapit pa lang ako sayo. Sabi mo, alam mo na kung ano. Kaya yon, niyakap mo nalang ako. At alam mo ba? Ramdam na ramdam ko pagmamahal mo sakin non. Astig ka talaga!

Kung wala man akong regalo minsan sayo, ay lagi pala. Pasensya ka na ha? Pero uy, salamat don sa mga regalo mo ha? Grabe. Di ko mabilang. Pagpatuloy mo ha? De joke. Hahaha. Pero salamat talaga.

Yung ano nga pala. Yung minsanan nalang kita mabisita dyan sa inyo. Pasensya ka na rin ha? Sa totoo lang, alam ko naman na alam mo na hindi ako busy. May pagkatamad nga lang talaga.

Grabe, ang dami kong pagkukulang sayo. Sorry ha? Matatanggap mo pa ba ang sorry ko? Ang dami kong nagawa. Minsan sa isang sulok, naiiyak nalang ako. Bakit ako ganito sayo? E mahal na mahal mo naman ako?

Ang unfair ko sayo. Ang unfair ng lahat sayo.

Pero ikaw? Anong ginagawa mo?

Wagas ka magmahal, oy!

Parang di ka napapagod. Nasisisi ka pa nila minsan. Gusto ko nga batukan minsan yong mga yon e. Pero hayaan na, alam ko naman na ayaw mong gawin ko yun. Kahit don man lang, makabawi ako sayo. Diba? Pero mabait ka e. Para kang Alaska, walang tatalo sayo. 

Ngayon lang yata kita nakausap ng ganito katagal. Pasensya ka na ulit. Ay takte. Puro ako pasensya. Pero eto, salamat talaga. Solid ka. Astig ka. Dabest mo. Lahat na, ikaw na! Salamat. 

Salamat sa yakap mo.

Salamat sa kabaitan mo.

Salamat sa pagmamahal mo.

Salamat sa mga regalo mo.

Salamat sa lahat.

Salamat sa buhay ko.

Salamat sa buhay ko, Panginoon Diyos.

Hindi man kita mapaglaban pag minsan, hindi man kita masunod, ni minsan na nga lang yata kita makausap. Salamat. Salamat kasi sa sandamak na pagkukulang ko. Sandamak na pagmamahal ang ipinapalit mo. Yaan mo. Babawi ako sayo.

2014 na diba? Pwede bang humiling? Ay hihiling nanaman. 

Pero pwede bang..

Ngayong 2014. Tulungan mo ako.

Tulungan mo akong maging yung tao na gusto mong maging ako.

May tiwala naman ako sayo e.

Da best kasi ikaw! At da best rin gusto mo sakin.

Tulungan mo ako ha?

Susunod na ako, promise. 

Mas mamahalin na kita, promise.

Basta magpromise ka din sakin. Alam ko na promise mo na to matagal na. At alam ko na kahit di ka magpromise, tutuparin mo ito.

Wag na wag mo akong iiwan ha? Ni bitawan.

Kasi alam kong hindi ko kaya. 

Yun lang. 

Salamat sa pag-gabay, pangunawa, biyaya at uulitin ko, sa pagmamahal.

Makasama nawa kita sa 2014 palagi.

At sana ngayong taon, mapasaya naman kita. 

Yun lang, Ama. 

Ay oo nga pala.

Mahal kita.

Mahal na mahal.

Amen. 

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon