Totohanin na kasi!

47 3 0
                                    

Madaldal na Note ng Author:

HAPPY VALENTINES' DAY, readers! Kamusta ang araw niyo? Nabigyan ba naman kayo kahit Chocnut man lang? Well, AKO HINDI. Pero nilibre ako ng Siomai ng crush ko. Yon lang, masaya na ako. Hahaha. So habang malungkot ako kanina. Naisip kong gumawa ng storya. 

Sana magustuhan niyo. Valentines' Special to!

-

"Samahan mo ako"

"Saan naman?" Tanong ko. 

"Valentines' Day ngayon, hindi ba? Bibili ako ng pangregalo"

"Para kanino?"

Tumingin siya sa isang babae sa di kalayuan tapos napakamot ng ulo. Naintindihan ko naman agad yung gusto niya ipahiwatig kahit na di naman siya nagsalita. 

"Ahh, para kay Chloe pala" sabi ko habang tumatango tango. Kahit parang deep inside, may kumirot sa puso ko. 

"Hoy, hindi no! Napatingin lang naman!" Tanggi pa siya =____=

"Sus! Wag ka na magka-ila sa akin, Arc. Alam na alam ko yang tingin mo" sabi ko tapos pinisil ko yung pisngi niya. 

"Mukha mo. Tigilan mo ako, Rabbi. Samahan mo na nga lang ako!"

Hinila naman niya agad yung kamay ko at kinaladkad ako. Take note ha. KALADKAD =_____= Pwede ko na ba tong kasuhan ng harassment? Ay di pala. 

Kasi gusto ko naman. Hahaha. 

Onga pala, ako si Rabbi. Matagal ng may gusto kay Arc. Ako lang naman ang dakilang parang best friend niya. Hmm. Di naman basta ako yung isa sa mga kaclose niyang babae. Kahit anong paramdam ko ng pagmamahal para kay Arc, hindi niya pa rin magets. Ang sakit nga e. 

"Tekaa! Saan ba tayo pupunta Arc?! Baluga ka!" Sabi ko. Aba, kinakaladkad talaga ako eh!

"Bibili nga tayo ng pang regalo sa Valentines. Ang kulit!" Naiinis niya akong binitawan tapos tumigil kami sa racing na nangyayari samin. 

Tiningnan niya ako ng masama. Kahit ganyan ang looks niya, waaaahhh ang pogi niya. 

"Tsk. Bakit di na lang ikaw? Kailangan kasama ako?" Naiinis kong tanong. Kasi naman ansaket kaya noong magpapabili siya para sa taong minamahal niya.

"Para alam ko kung ano ang bibilhin! Ayokong ireject ng babaeng gusto ko ang mga regalo ko no!"

"Eh ano ba kasi balak mo, Arc?"

"Hmm" Humawak siya sa baba niya, nagiisip. "Sabihin na natin na aamin na ako sa gusto kong babae, pagtatapat ko na yung pagmamahal ko tapos tatanungin ko siyang maging girlfriend ko. Yun lang" Sabi niya tapos ngumiti.

Ako naman, ngumiti din. Peke nga lang. Valentines' na Valentines', mabro-broken hearted pa ako. 

Pero kailangan ko siyang tulungan, mahal ko siya e.

Ganon naman talaga pag mahal mo isang tao diba? Parang namamanhid ka na sa katotohanan na kahit kailan ay hindi ka niya mamahalin gaya ng pagmamahal mo sa kanya. Kaya nagiging okay na sayo. At kahit masakit, tinutulungan mo siyang maging masaya. Yun nga lang, sa piling ng iba.

Okay lang naman diba?

Okay na okay.

De joke lang.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon