Amats

75 2 0
                                    

YeppoMe's Note:

Ito pong storya ito ay hango sa isang kanta na paborito ko. "Amats" Kanta ng Parokya ni Edgar. Di ko gets kung ano yung Amats, alam niyo ba? Pero gandang ganda ko sa storya na binubuo noong kanta. Naisipan ko tuloy gawan ng storya.

Read it! Maaring may makarelate. Hahahaha.

Naka-THIRD person's P.O.V. ito. At puro kakornihan ang pangalan dito. Hahaha. 

-

♪ Dalhin mo ako sa iyong palasyo

Maglakad tayo

Sa hardin ng 'yong kaharian

Wala man akong pag-aari

Pangako kong habang buhay

Kitang pagsisilbihan

O aking prinsesa ah

Prinsesa, prinsesa, prinsesa ♪

Nang matapos ang tugtog ay ngumiti ang lead singer at ang lahat ay nagsigawan at nagpalakpakan, syempre lalo na ang mga kababaihan noong gabi sa Bar na iyon. Umakyat ang nagsisilbing emcee ng pumapalakpak. 

"Very nice! Walang kupas pa rin" sabi niya ng pumapalakpak habang hawak ang micropono. "At napakagwapo" malandi niyang sinabi habang nakatingin siya sa Lead Singer.

"Thank you, thank you" nakangiting sinabi ng Lead Singer na si Joaquin Manankwarto habang nakatingin sa mga audience sa bar na iyon. 

Yes, kung may Joaquin Manansala tayo sa G2B. Pinapakilala ko nga pala si Joaquin Manankwarto. Magaling siyang kumanta. Swabe. Gwapo. At kinakakiligan ng kababaihan. Ano pa nga ba ang ieexpect mo sa bida natin, hindi ba?

"Siya lang? Leche. Di na napansin dito sa likuran" himutok naman ng gitarista na si Choc Nut sa may likuran ni Joaquin. Agad naman siyang binatukan ni Pea Nut. 

"Inggit ka nanaman. Inggitero ka talaga, Kuya" sabi ni Pea Nut.

Magkapatid nga pala sila. Parehas silang may gift sa music. Di nila niregaluhan ang musika. Ang sinasabi ko ay meron silang kakaibang taste at talento pagdating sa musika. Si Choc Nut ay gitarista ng banda. Kaya niyang tugtugin lahat ng gusto mo ipatugtog sa kanya. Wag mo lang papagawain ng gawing bahay dahil malamang, lagapak yan.

Kaya nga magkaaway sila lagi ni Pea Nut sa bahay. Masipag kasi itong si Pea Nut na bahista naman. Maganda si Pea Nut. Maraming nanliligaw pero dahil nga sa laging kasama ay mga lalaki. Naging tomboyin na rin. Tila, nanigas na yata ang puso. Tinatamad daw magmahal. Pwede pala yun. 

"Once again, palakpakan natin ang band natin for this month. Ang Band-aid!" 

At napuno nalang ng sigawan, hiyawan, at palakpakan sa loob ng Chocolate Bar. Yan ang pangalan ng Bar na nakapili kina Joaquin Manankwarto at sa banda niya para sa buwan na ito. Sumisikat na kasi ang Band-Aid at yon, sa di inaasahang pagkakataon. Nadiscover sila, hanep. Ayan, may part-time job na tuloy sila. Ansaya no? Hahahaha. 

Bumaba na ng stage ang Band-Aid at sinalubong naman sila ng mga kaibigan nila. Papakilala ko nga pala sila sa inyo para di kayo maguluhan.

Si Lee Bag na pinaka kaclose kumbaga nila. At kunwari pang hindi rin gusto si Choc nut. Sus. Maharot. Hahaha.

Si Aye Bag na normal ang pagkatao. 

Si Kae Bag na normal din naman ang pagkatao.

One Shot CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon