Lesson 15

118K 2.6K 36
                                    


ZIELA'S POV


"Anak, hindi naman kasi ganun kadali 'yun."

"Dad! Bakit naman kasi sa lahat ng lalaki dyan eh 'yun pang hinayupak na yun?!"


Halos magdabog na ako papasok sa kwarto ko pagkatapos kong sigawan si Daddy. Nakakainis naman kasi eh! Kinwento ko na nga sa kanila ni Mommy 'yung situation namin ni Venice pero hindi pa rin sila umurong.


"Nakaakainis talaga! Nakakainis! Mini, anong gagawin ko ngayon?" Kinakausap ko ngayon 'yung malaki kong teddy bear sa kwarto ko, si Mini. Siya 'yung gift sa akin ni Ven nung birthday ko last year. Niyakap ko lang siya at saka nagpagulong-gulong sa kama.


Ano bang gagawin ko?!


Bago pa ako mabaliw kakaisip ng ano bang dapat kong gawin ay lumabas na ako ng kwarto ko. Kinuha ko y'ung cap ko tsaka 'yung wallet and cellphone ko. Lalabas na lang muna ako para magpahangin.


"Where are you going?" Alam kong nakatingin sa akin si Daddy habang palabas ako ng bahay. Nakikita ko sa peripheral view ko na nakaupo siya sa may office table niya at nagbabasa ng kung ano. Yeah right, meron siyang mini-office dito sa bahay. Ano pa nga ba? Malamang naman kasi, siya ang principal ng school. So yeah.

"Anywhere but here." Hindi ko siya tinignan at tuluy-tuloy lang ako sa paglabas ng bahay. Sinuot ko 'yung cap ko at binulsa yung phone and wallet ko.


Sobrang hirap para sa akin na ganunin si Daddy. Kasi naman, daddy's girl kaya ako. Spoiled ako sa kanya at saka mahal na mahal ko 'yan. Kaso kasi nakakainis eh. Alam ko rin namang kung kaya niya ay magbaback-out siya dun sa engagement party namin ni Ivan. Kaso, mataas din kasi ang position ng family ni Ivan sa industry kaya mahirap ibalewala lahat ng napaghandaan na. Yeah right, naaawa ako sa Dad ko, pero mas naaawa naman ako sa sarili ko. Ni hindi pa nga ako nagkakaroon ng boyfriend tapos engaged agad? Ano pang silbi ng social life ko kung ganun rin naman? At isa pa, that freaking guy has a freaking girlfriend! Ano siya, two timer? Wow dude, ang gwapo niya ha?

Nakakainis talaga!


Mamatay na sana nagpauso ng fixed marriage na 'yan! Bakit ba kasi nauso 'yan?!


'Di ko namalayan na nakarating na pala ako sa school. Malapit lang kasi 'yung school sa bahay namin. And karamihan ng estudyante ay may pasok pa rin ngayong sabado dahil sa mga extracurricular activities. Nakita naman ako agad ni Manong Guard kaya pinapasok niya agad ako.


"Hi Ms. Ziela!"

"Ang ganda niya talaga no?"

"Oo nga eh. Balita ko wala pa daw siyang boyfriend."

"Talaga? Bakit kaya?"


Naririnig ko na naman 'yung usapan ng ilang lalaki. Nginitian ko nalang sila. Actually, may ilang nagbalak manligaw sa akin pero nireject ko kaagad. Wala rin akong pinagbibigyan ng atensyon ko ngayon. Gusto ko kasi, 'yung sigurado na ako. 'Yung tipong alam kong 'di ko pagsisisihan kung may pipiliin man ako. So yeah, that's the reason kung bakit wala pa akong boyfriend.


Umikot lang ako sa buong school. Tinitignan ko 'yung mga nagpapainting, nagpapractice for the interschool competition, pati mga nagrereview. At dahil wala na akong magawa, balak kong umuwi na. Kaso pagdaan ko sa garden, may narinig akong pamilyar na mga boses.

Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Where stories live. Discover now