Lesson 19

111K 2.6K 143
                                    

One week na ang nakakalipas. Busy masyado ang mga tao sa paligid ko. Well ako rin naman busy rin.

Quiz bee dito, interschool doon. Super haggard na ako this week. Di ko kasi naisip na interschool competition na pala. As in nito ko lang din narealize kaya super nag-cram ako sa pag-aaral. Buti na lang maaasahan ang groupmates ko kaya nakasagot naman kami nang maayos. And to my surprise, kami pa ang first place. Pakiramdam ko tuloy wala akong naitulong sa group.

"Congrats kids!" salubong sa amin nung teacher-in-charge sa amin sa interschool.

Ewan ko ba pero parang kulang. Dapat kasi kasama si Roj ngayon since siya ang top 2 namin. Dapat kasama siya sa team kaso dahil sa pageant ay excused siya. Sayang tuloy.

Oo nga pala, next day na ang pageant kaya super busy lahat dito sa school. Ako naman, dahil rarampa lang naman ako at magpapasa ng crown at sceptre ay hindi na ako nag-abala pang makisali sa pagpapractice nila. Ginawa ko na lang 'yung project namin sa Values. Nakakainis nga dahil para siyang scrapbook at ilalagay mo lahat ng insights mo tungkol sa sarili mo, sa mga taong nakapaligid sayo and such. Nagsusulat ako ng draft ngayon dito sa room habang nagkakagulo silang lahat. 'Yung chairs kasi namin, nakagilid lahat and then gumagawa sila ng banners and other stuff para sa Mr. and Ms. Amarrison. Dahil ayoko naman na makisiksik doon at andami-dami na nila ay umupo na lang ako dito sa upuan ko at nag-iisip kung anong ilalagay sa project ko.

"Ate, may nagpapabigay po sa'yo." Napatingin ako doon sa babaeng sumulpot na lang bigla sa gilid ko. Halos mapatalon ako sa upuan nung makita ko siya dahil hindi ko alam kung kelan pa siya nakatayo dyan. Napatingin naman ako sa hawak niya. Isang maliit na piraso ng papel na may nakasulat na SMILE tapos may smiley pa sa dulo.

Pagkabasang-pagkabasa ko nun ay automatic na napangiti rin ako.

"Sino nga palang nagpabi—" Nagulat ulit ako nung humarap ako sa gilid at nakita kong wala na pala akong kausap. OMG. So nagteteleport nga siya?! Bakit ang bilis niyang mawala? Tao ba 'yun? Kinilabutan tuloy ako bigla.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa babaeng 'yun at sa kung sino mang nagbigay ng papel na 'to. Pero naappreciate ko talaga dahil kailangan ko ng comfort ngayong mga panahong 'to lalo na at parang ang layu-layo ng mga kaibigan ko sa akin.

Tinago ko 'yung papel sa wallet ko. Nilagay ko siya dun sa lalagyanan ng mga pictures. Then bigla kong nakita 'yung mga pictures na nilagay ko sa wallet ko.

First picture ko with Ziela nung grade 4 kami. Picture namin ni Ate nung 7th birthday ko. Picture ko with my other classmates and mostly ay kaming dalawa ni Zie. Then nakita ko 'yung picture ni Roj habang nagwawax ng buhok.

Bigla akong napangiti.

 

Naalala ko bigla 'yung mga araw na tinuturuan ko pa siya kung paano maging boy next door. Maging heartthrob ng school. 'Yung mga panahong nerd pa siya.

Yung mga panahong lagi ko pa siyang kasama.

At ngayon, natupad na 'yung promise ko. I made him a famous student. And I'm a bit happy for that.

Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Where stories live. Discover now