Lesson 24

107K 2.5K 52
                                    

Busy ang mga tao. Halos lahat tumatakbo. Halos lahat kumikilos nang mabilis. Pageant na kasi ngayon.

Andito lang ako sa labas ng room, nakasilip sa quadrangle kung saan gaganapin ang pageant. Nakaset-up na 'yung stage, mga upuan at lahat lahat. Umaga pa lang pero hindi na magkandaugaga ang mga tao sa school. 'Yung mga classmate ko, inaayos 'yung banner para kay Ziela at Roj.

  

Napatalon naman ako nung nagvibrate 'yung phone ko. Akala ko text lang, pero may tumatawag pala kaya sunud-sunod yung vibration.

"Hello?"

"Ven! Kinakabahan ako!"

Si Ziela pala. Wala pa ngayon 'yung contestants sa school dahil busy silang ayusan at lagyan ng style para sa pageant.

"Ano ka ba, kaya mo yan! Self-confidence lang, Zie."

"Heh! Palibhasa kasi ikaw nanalo ka na last year kaya parang wala lang sayo."

Naalala ko tuloy last year. Sobrang kabado rin ako nun before the pageant. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Oo alam ko nagmomodel ako pero iba naman 'to. Pero may sinabi sa akin si ate na sobrang nakatulong para manalo ako.

"Ven, stay focused. Wag mong hayaan na mapahiya at tawanan ka ng mga tao. Ipakita mo sa kanila na magaling ka. Besides, may advantage ka sa kanila. Nagmomodel ka. Oh and lastly, ENJOY. Isipin mo na lang, hindi ito competition kundi entertainment lang."

Dahil dun, nagawa kong manalo. Yung nanalo sa boys ay actually fourth year na ngayon, si kuya Gab.

"Huy bruha! Andyan ka pa ba?" Naalala ko na nakikipag-usap pa nga pala ako kay ZIe.

"Ah, sorry. Ano nga ulit 'yun?" 'Di ko na kasi narinig yung iba nyang sinabi dahil inalala ko yung sinabi ni ate dati.

"Hay naku di pala nakikinig. Tsk. Sabi ko punta ka rito. Ikaw mag-ayos sa akin. I trust your taste. Sige, bye!" 

Binabaan ako? Ayos 'yun ah?

At dahil nga boring dito sa school at mukhang wala naman na akong maitutulong sa classmates ko, kinuha ko 'yung bag ko sa room at bumaba na.

Nung nasa gate na ako, bigla akong hinarang nung guard.

"Bawal na pong lumabas."

Medyo nagpanic ako nun dahil akala ko ay pwedeng maglabas-pasok sa school pag may ganitong contest. Pero dahil pilya ako, nakaisip agad ako ng paraan.

"Pinayagan ako ni Mr. Wilson lumabas dahil pinapapunta niya ako sa bahay nila."

Tinaasan lang ako ng kilay ni Manong Guard at feeling ko ay hindi siya naniniwala kaya tinawagan ko si Zie at niloudspeaker pa.

"Oh ano na Ven? Asan ka na?"

 

Tinignan ko ng nakakaloko si Manong Guard. "Eh ayaw akong palabasin ni Manong Guard."

Love Tutorial (Kingdom University, spinoff)Where stories live. Discover now