TDG Book 2 - Chapter 41

111K 979 165
                                    

TDG Book 2 - Chapter 41

(A/N: Masama ba ako? Haha tsars! Medyo lutang ako habang tinatype 'to. Sana matripan nyo pa rin. Ang akin lang, hindi lahat ng sinasabi nating forever ay totoo. Panira ba ng mood? Eto na nga! Chapter 41, para sa mga nag-aassume ng himala! :>)

--

ONE MONTH LATER

MAY 10

Nasa harap si Jersey ng salamin, naglalagay ng make-up.

"Jersey!!!" medyong iritang tawag ni Jicker sa kanya na nasa sala. "Make-up lang ba talaga yang nilalagay mo o pintura na? Ang tagal o!"

"Wait lang! Malapit na akong matapos!" Konting ayos na lang naman ang gagawin nya sa may eyelids nya.

Tinitigan ni Jersey ang sarili nya sa salamin. Ngumiti sya. After all, birthday party ni Jicker ang pupuntahan nila ngayon sa Tagaytay. It's been a month since.. that happened. Maisip lang nya yung gabing yon, nangingilid na ang luha sa mata nya. Sabi nya sa sarili hindi na sya iiyak dahil dun. Hindi na sya iiyak. Hindi na sya ii--

Mas malakas pa rin ang alaala. Kahit anong gawin mo nandyan pa rin ito, nang-iinis.

--XX--

Don't know what to do anymore 

I've lost the only love worth fighting for 

I'll drown in my tear storming sea, 

That would show you, that would make you hurt like me

"I think we need a break."

He said what? "What.. what did you just say?"

Tinignan ako ni Kevin nang diretso. Sh*t, pinipigilan na lang nya ang umiyak. Oo, mali ako. Oo, ako may kasalanan nito. Oo, I deserve this.

Fine, I haven't changed. Ako na ang impulsive. AKO NA ANG MASAMA. Natakot lang naman ako eh! Alam nyo ba yun, takot? Takot na baka.. basta! Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa yun. Galit na galit lang ako dahil sa nangyari. Fine, I admit, hindi pa rin ako makamove-on dun sa nangyari between Kevin and Blanche. Kahit sabihing movie lang yon, may something pa rin eh. Yung nangyari sakin sa Germany, ganun lang din ang naramdaman ko nung ginawa ko yun kay Marlo. This time, sana pala tumakbo na lang ako. Sana pala hindi na lang ginawa yun.

But it's too late for that.

"You heard me, Jersey. I think we need a break."

"Do you really mean it this time? Kasi yung huling beses mong sinabi yan nagbibiro ka lang diba?"

Napa-tss na lang sya. "Jersey, ang tanda na natin. Hindi na tayo college! Sa tingin mo sa lagay na'to makakapagbiro pa ako? HINDI AKO NAGBIBIRO."

The Despicable Guy Book 2Where stories live. Discover now