TDG Book 2 - Chapter 55

115K 1.6K 386
                                    

TDG Book 2 - Chapter 55

I'll answer some FAQs (Frequently Asked Questions) muna bago tayo magproceed sa mismong update ;)

 

WALA NA PONG BOOK 3. Up to 60 chapters lang ang Book 2. WALA PA RIN PONG SOFT COPY ANG BOOK 2 KASI ON-GOING PA ITO. (Pero may compilation naman yan, up to Chapter 32 nga lang. Pakihanap na lang po sa profile ko.)

Yun lamang po. Tara, update na? XD (Maikli lang 'to, para straight to the point!)

PS: Salamat sa silent readers na hindi na silent! Yeheeeey! >:D< (k ang gulo ata nun!)

PPS: Comment and vote kung nagustuhan :)

**

JM'S POV

"TAPOS!?!?"

Hindi naman ako hapit sa kwento ni Jersey. Wala lang, naexcite lang ako bigla. O teka, may nakakatanda pa ba sakin? HAHAHAHA! Basta, ako po si Justin Marion, kaibigan nina Jersey at Kevin. Yun na lang, gets nyo na yun.

Ano naman ang kwento ni Jersey?

E di yung nangyari last week!

Oo, last week.

First of October na ngayon, guys.

Nung nalaman nya na uuwi na kami ni Sheena (my wife), agad syang humirit ng "small talk". And as we all know, there's no such thing as "small talk" in Jersey leetspeak. Sa LB kami nagkita since may aasikasuhin si Sheena dun. Eto, nasa Boston kami. Old times.

Medyo nahihiya pa syang tumingin sakin bago sumagot. "Ayun.."

"Jersey naman! Magkukwento ka ng ganon tapos bibitinin mo rin ako? Grabe. Kaibigan."

"Eh ang hirap kasi ikwento!!" tumaas ng isang octave ang boses nya. Napatingin tuloy samin yung nasa kabilang table.

"Teka teka.. ulitin ko lang ah. Kung san ka nambitin," umayos muna ako ng upo. "Nasa may Baker Hall side kayo ng Freedom Park, sa loob ng kotse ny. Kumakain ka ng buko pie tapos bigla syang.."

"Bigla syang nagpropose." Nagblush pa ang babae.

"Oh, anong nakakahiyang ikwento dun? Nagpropose na pala sa'yo si Kevin eh! I can't see a reason para ikahiya kang ikwento yan! Nung nagpropose nga ako kay Sheena.. napakanta pa ako ng di oras sa UP Manila. Proud ako dun!"

"It's not that," medyo may defensiveness ang tono nya. "Hindi yung proposal ang ikinakahiya kong ikwento."

"Eh ano nga? Marami kang binibitin na tao, Santiago."

"Nahihiya akong ikwento yung kasunod na nangyari."

"Palagi ka namang napapahiya. Ano pang bago dun?"

The Despicable Guy Book 2Where stories live. Discover now