CHAPTER 48~ M.U (MisUnderstanding)

29.7K 202 35
                                    

CHAPTER 48

 thanks sa mga bumati sa'kin

 

Jana’s POV

 

“HB.. teka lang naman!” pero tuloy lang ako sa pagtakbo ko..

“Jana tumigil ka muna sandali!” hindi ko pa din sya pinansin! Pinunasan ko yung luha na tumulo sa mga mata ko habang tumatakbo ng mabilis..

“HB!!” napatigil ako kasi naabutan nya na ako.. “bakit ka ba tumatakbo?” hinihingal sya at pati ako ganun na din.. sumisikip na nga yung dibdib ko e.

“bitawan mo nga ako!” inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak nya.. pero hinawakan nya lang ulit ito ng mahigpit..

“ano bang problema mo?”

“itanong mo sa sarili mo!” ginamit ko ang lakas ko para maalis yung kamay nya sa kamay ko at tinapakan ko ang paa nya! As in yung malakas! Sabay takbo ko ulit!

“ARAY! HB ko naman! Usap tayo!”

“Hwag mo ako susundan!!!”

“Ya Kevin! W-wait!”

Tch! Magsama silang dalawa! T^T nakakainis naman kasi e! pagkatapos isalaysay sa’kin ni Sei ang tungkol sa greenhouse na yun hindi ko na mapigilan ang sarili ko! Naiinis ako!!!

“you know what Jana, this is the place where he first told me that he loves me! Same as me!” tuwang- tuwa pa sya nun habang sinasabi ang mga yun! “dito naging kami.. this place means so much to me.. to him.. to both of us!”

Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko! Bakit sa dinami- dami ng lugar dun pa?! that place means so much to me din kasi e! TT^TT

Dun kasi nya ako unang dinala nung naging kami.. naging importante din kasi yun sa’kin kasi sabi ni Kevin ‘this place means so much to me’ yun ang sinabi nya nun sa’kin kasi inaasar ko sya dahil paborito nya ang bulaklak. Ang ganda kasi ng lugar na yun.. dahil nga sa sinabi nya na importante sa kanya yung lugar nay un.. doon ko naisipan i- celebrate ang ‘BIRTHDAY’ nya! But.. WTF?! Ang tanga ko kasi pinahalagahan ko ang ‘Secret Place’ NILA! At anong ibig sabihan nya, bakit dun nya ako dinala?! Kasi mahal pa din nya yung babaeng yun? Na sya pa din ang hinihintay nya?

“AAHH!! NAKAKAINIS!” sigaw ko sa gitna ng field.. maraming tumingin sa’kin dahil lunchbreak pa nga pero pakialam ko ba sa kanila! Sa naiinis ako e! tumakbo ulit ako papunta sa classroom at kinuha yung gamit ko..

“Jana.. bakit ka umiiyak?” napansin ako ni Kristine kaya lumapit sya sa’kin

“masama lang pakiramdam ko” hindi ko na lang ulit sya pinansin at tumakbo na ulit..

That Kind of a Guy: When Mr. Gangster Meets His Ms. Gangster[1] *under revision*Where stories live. Discover now