CHAPTER 68

28.5K 206 16
                                    

CHAPTER 68

 

-After 2 years-

Jana’s POV

 

“LDIIIIIIIIIIIIIIIII!! BILISAN MO NA DYAN MALE-LATE NA TAYO!”

“SANDALI NA LANG!”

Aish. Ang bagal talaga nya kumilos.

Habang naliligo pa sya inayos ko muna lahat ng gamit namin. Okay na kasi ako e, nakaligo na.Naka- uniform na at naayos na ang pagmumukha.

Yep! Nasa iisang bahay lang kami ni Kevin ^__^

1 year na din akong nakatira dito sa bahay nya. Ganito kasi yun. After ng graduation namin 2 years ago. Umalis si mama kasi pinadala sya ng company nila sa ibang bansa, that was the biggest opportunity na inoffer kay mama kaya hindi na namin pinakawalan pa! pangarap din kasi ni Mama ang makarating sa Italy. Dun sya pinadala. At dahil umalis nga sya at malaki ang tiwala nya kay Kevin, sa kanya nya ako iniwan at inihabilin. Oh diba? Parang gamit lang ako ah! Pero masaya. Kasi feeling ko ngayon mag- asawa na kami ni LD! :D Pero hwag kayo ha! Hwag kayong green! Nasa iisang bahay nga kami, natutulog sa iisang kama pero hep! Walang ibang nangyayari noh! We made a deal na, hindi kami gagawa ng mga bagay na ganun until dipa kami kasal at nakaka-graduate. Dapat bago namin gawin ‘yun’ ay may trabaho na kami. ^__^

And another information dahil fast forward tayo. Si Xiv at Whimsy balita ko okay naman. Sinamahan ni Xiv si whimsy pagpuntang London at dun na din sya nag-aral. Naiwan nya tuloy ang kanyang ‘batang’ kapatid na si Sei, pero nag-mature na naman sya kahit papaano. Tourism student nga pala sya. Ako naman, archi ang kinukuha. At si Kevin? Ayun! Full-scholar sya since first year college. Valedictorian naman nung 4th year! Oh diba? Ang talino ng lolo mo! :) He’s taking General Engineering sa BSU. Dean’s Lister din sya. Eh di sya na nga! XD

“Tapos na ako!”—Kevin

Lumabas na sya sa CR. Ayun oh! Wet look ^_______^

At ang kanyang mga pandesal.. *u*

Hahaha! Isang taon ko na din yang nasisilayan araw-araw pero hindi ako nagsasawa.. XD

“buti naman. Tagal mo maligo parang isang taong di naligo e!”

Kinuha nya yung towel ang tinuyo ang buhok nya, “anong ako? ikaw kaya matagl maligo”

“ikaw kaya! Tch! Tara na nga lang kumain. Kanina pa dun si manang. Male-late na tayo”—ako

Lumabas na ako ng kwarto since handa na naman ang mga gamit.

Bumaba ako sa kitchen para puntahan si Manang. Sya nga lang pala kasama namin dito ni Kevin. Hindi na din sya umaalis.

“kakain nab a kayo hija?”—manang

“opo. Tapos na maligo si Kevin e”

Umupo na ako dun sa chair ko. Maka-ko oh, feeling bahay ko toh. :D

That Kind of a Guy: When Mr. Gangster Meets His Ms. Gangster[1] *under revision*Where stories live. Discover now