CHAPTER 64

28K 193 15
                                    

CHAPTER 64

***Xiv’s POV

Tsk! Para talagang bata si Chinchin. Tinakot pa akong isusumbong nya ako kay papa na------ tsss…

Teka. Nasan na ba yung hinahanap ko. Iniwan ko na si Chinchin since matanda na naman yun at alam na ang tama at mali.

Pumunta ako sa mga tables para hanapin sya, hindi naman nagtagal nakita ko na sya. Hindi naman ganun kadilim dito sa bar para hindi ko sya makita.

Lumapit ako, tumayo sa harapan nya habang sya nakaupo at hawak ang isang baso ng wine.

“kanina ka pa ba?” tanong ko sa kanya

“not really. Siguro mga 5 minutes bago ka dumating” she smiled. 

“ganun ba?” pagkasabi ko nun umupo na din ako sa tabi nya at ininom ang isa pang baso na nasa table. 

So wala ng magsasalita sa amin dalawa? 

Awkward. 

=____=

Di naman kami ganito sa text e. Madaldal sya at makwento, yung text nya hindi bumababa ng 300 letters. Pero ngayon, tahimik nya. Tsss.

Wala e. Boring ako kaya nag- try akong lumabas kasama ang ibang babae. Sabi kasi sa akin ni Chinchin subukan kong makipag-fling at maki- mingle sa ibang babae para daw magawa kong makalimutan si Jana. Pero…. Pakshet lang! Kasi hinding- hindi sya mawala sa isipan ko! Minsan nga ang sarap ng iumpog nitong ulo ko sa pader! Ay hindi pala ulo dapat iumpog, dapat ‘tong puso ko! Pasensya naman e noh? Nagmahal lang. At ang masaya pa dun, yung mahal ko may mahal na iba tapos mahal din sya ng taong mahal nya at masaya silang dalawa. Eh pano naman ako? >:/

Tae! Baka sa simbahan bagsak ko nito. Baka makapag- pari ako, malay natin. Yun tadhana ko. 

Ah shit! Shit! Shit! Ang tanga mo talaga Xiv!!! Hanggang ngayon hindi mo pa rin matanggap! Gagu ka!! Magsaksak ka na! 

Buti pa si Chinchin, okay na sya. Hindi na sya affected dun sa dalawa. At ako? eto! Hahahahah! Mas malala pa pala ako kay Sei. Magpa- heart transplant din kayo ako? Ano sa tingin nyo?

“HEY XIV DELACRUZ!!! ARE YOU STILL BREATHING THERE?!!!!!!!!!!!!!! >______<”

Bigla akong natauhan ng may yumugyog sa balikat ko at sumigaw, hindi naman ganun kalakas, mas malakas pa din yung music sa loob ng bar. Actually, lagi akong ganyan. Laging spaced- out.

Napatingin ako sa kanya. 

That Kind of a Guy: When Mr. Gangster Meets His Ms. Gangster[1] *under revision*Where stories live. Discover now