Chapter 5~

6K 203 1
                                    


Pia's POV

Pagkauwi ng bahay hindi ako kumikibo. Hindi ko na rin kinulit si Andrea dun sa nakita ko

Nabadtrip kasi ko nung Louis Kenji na yun! Bakit kasi yun pa naging katabi ko!

Isipin nyo nga, nag aaral kayo tapos may gwap-- I mean may pangit na nakatitig sayo. Syempre ako hindi makapag concentrate! English pa naman yung subject! Favorite subject ko tapos hindi ko maintindihan dahil sa kanya!

Nung tinanong ko naman kung ano problema nya sabi nya

"Wala masama bang titigan ka?"

Edi ang sabi ko
"oo kasi naiilang ako"

Tapos sabi nya
"Edi wag mo ko pansinin. Bakit ang ganda mo?"

Alam nyo yun! Namula ko dun! Alam kong maganda ko pero bakit nung sya nagsabi nahiya ako bigla!

"HAHAHAHA! Namumula ka oh. Joke lang yun"

Ibig sabihin pangit ako? Kapal! Hindi katanggap-tanggap yun ah!
After that hindi ko na sya pinansin.

Nagpunta lang ako ng kwarto. Matutulog muna ko saglit. Hmp.

CLARISSE' POV

Napaka pakialamero nung Carl Steve na yun! Konting galaw may puna! Kainis!

Nung una nung inaway namin yung teacher sabi nya
"Ang sama mo inaaway mo yung teacher ng dahil lang ipapatawag ang magulang"

Pasalamat pa nga sya hindi na natuloy!

Pangalawa nung nagsusuklay ako "Ano ba yan! Yung buhok mo naman tumatama sa mukha ko hindi bale sana kung mabango eh"
Dude! Bango bango ng buhok ko! Sya unang nag sabi na mabaho buhok ko!

Pangatlo nung nalaglag ballpen ko "Ano ba yan! Kababaing tao hindi maingat sa gamit"
Kasalanan ko ba na nahulog eh sya itong nakasagi or should I say sya tong nagsadyang ilaglag ballpen ko!

Hindi ako nagsasalita hanggang makarating kami sa bahay tapos dumeretso ko kwarto.

SHEKINAH'S POV

Nang makarating kami sa bahay si Pia at Clarisse badtrip ata. Kung ako tatanungin nyo? Hindi ako badtrip kasi buti nalang at marunong ako mang snob.

Yung Jan Ian kasi na yun, kung hindi ako tititigan magsasabi ng kung ano ano. Puro naman hindi totoo. Kesyo bakit daw ang payat ko kahit ang totoo sexy naman ako. 

"Problema nung dalawa?"-Andrea

"Malay ko. Kita mong hindi kumikibo eh malamang nabadtrip nung magkaibigan"- sabi ko

"Eh ikaw hindi?"-tanong nya

"Hindi kasi alam ko naman yung salitang SNOB. Kaya kahit anong inis nya walang epekto"-sabi ko

"Tara magluto na tayo. 5pm na oh"-sabi nya at nag nod nalang ako

After 1hour tapos na kami magluto at magsaing

"Pagdalan nalang natin yung dalawa ng pagkain"-sabi ni Andrea

"Sige. Ako na kay Pia "-sabi ko

"Sige"-sagot nya habang inaayos yung iaakyat namin

Nung nadala na namin sa kanila sabay na kami ni Andrea kumain .

"Mabait ba si Thomas Andrew?"-tanong ko

"Oo. Kung hindi yun hindi kami magkakasundo"-sabi nya

"Eh bakit ganon mga kaibigan nya?"-hindi kasi kapareho ng ugali nya

"Eh bakit kayo?"-sagot nya

"Aba! Gusto mo ng kurot?"-sabi ko akmang kukurutin nga sya

"Teka lang kasi! What I mean is bakit kayo nakasundo ko? Kasi meron tayong apat similarities. Meron tayong ugali na pareho. Gusto at hindi gusto. Ganun. Baka ganun din sila kasi close naman silang apat"-sabi nya

"Kung sa bagay. Galing mo ah"-natatawa kong sagot

"Ofcourse! Ako pa!"- proud na sabi nya

"At dahil magaling ka. Ikaw na maghugas ng plato kasi inaantok na ko"-pang iinis ko

"Ang daya mo! Pasalamat ka nasa mood ako nako"-sabi nya

"Nasa mood ka kasi hinawakan ni Thomas Andrew kamay mo?"-then tinignan ko sya ng nakakaloko kaya bigla syang namula

"Akyat na ko baka mag-collapse ka pa sa sobrang kilig"-sabi ko sabay akyat ng kwarto

Narinig ko pa sya sumigaw ng "SHEKINAH! KAINIS KA!"

Matutulog na ko ayoko maging mukhang zombie bukas

Campus Princesses And Campus Heartthrobs IWhere stories live. Discover now