Chapter 15~

4K 150 6
                                    

ANDREA'S POV

Tama si Clarisse. Malaki na ko. Kaya ko na dapat harapin ang dapat harapin. Pero parang hindi ko pa kaya magdecide!

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya mamaya

"Hello? Are you with us?"- biglang salita ni Pia kaya nagulat ako

"I guess you're not "- saad naman ni Clarisse

"I thought you're okay already. Another problem?"- tanong ni Shekinah

"I'm fine. Don't mind me"- malungkot na sabi ko

"Woah! Lalim ah"- gulat na sabi ni Pia

"Why? Nervous?"- tanong ni Shekinah

"A bit "- sabi ko

"Why?"- Clarisse

"Bakit ba kayo nag e-english?"- tanong ni Pia, sandali namin syang tinignan nang magsalita si Shekinah

"So, bakit nga?"

"Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanya "- sabi ko sabay yuko

"Sabihin mo na 'hi goodmorning . Wag mo muna i-open yung about sa kahapon kasi nahihiya ako at hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin na payag na kong manligaw ka at ang tagal kong pinag isipan kung mahal ba kita at narealize ko na mahal nga kita at Thanks to my super beautiful Eonnie named Clarisse kasi narealize ko lahat yun after nyo umalis'  yun lang"-sabi nya sabay lakad ulit

Naiwan kaming nakanganga, like literally.

Ngayon lang ulit sya nagsalita ng ganoon kahaba!

Agad kaming naglakad na medyo mabilis para habulin si Clarisse matapos nya kaming mapanganga

"Finally! Nakarecover na kayo"- sabi ni Clarisse

"Anong meron?"- sabi ni Shekinah

"Wala naman"- sabi nya sabay upo sa upuan nya ng marating namin yung room

Pag upo na pag upo ko, dumating yung apat na lalaki. Nauna si Louis Kenji na hyper na hyper. Next is the man with a few words, none other than Carl Steven. Then si Thomas na agad akong hinanap kaya yumuko ako. For sure si Jan Ian na next.

"Hi Andrea!"- sigaw ni Thomas

Ramdam ko ang tingin ng mga kaklase ko kaya nanatili akong nakayuko

"Good morning"- batian ni Pia at Louis Kenji

"Hi"- Clarisse at Jan Ian

"Morning"- Shekinah at Carl Steven

"Huy Andrea! Wala bang good morning man lang kay Thomas Andrew?"- mapang asar na tanong ni Clarisse

"Shut up!"- sagot ko pero hindi naman pasigaw medyo inis lang kaya narinig kong tumawa sila.

"Are you mad at me?"- Thomas

"No "- sabi ko habang hindi pa din tumitingin sa kanya

"Bakit hindi mo ko tinitignan? Kahit good morning wala?"- tanong nya at nararamdamam ko na naka pout sya

"Good morning"- maiksing sabi ko

May sasabihin pa sana si Thomas pero dumating na ang prof kaya umayos na sya ng upo.

Saved by the bell, I guess?

-

"Okay! Class dismissed. See you on our next meeting and don't forget to practice with your partner, okay? You may go."- saad ng prof kaya naman inayos ko na ang gamit ko

"Sorry na. Sorry sa nangyari kahapon. Sorry about doon sa kiss. Alam kong nabigla ka pero sasabihin ko sayo lahat kung paano namin kayo nakilala at kung paano-"- tuloy tuloy na litanya ni Thomas ngunit hindi nya ito natapos nang magsalita ako

"Okay na. Nakapagdesisyon na ako"- saad ko

Yung mukha nya kanina na parang nag aalala, ngayon ay mukhang  kinakabahan na

"So, payag ka ba na ligawan kita?"- nag aalangan na tanong ni Thomas

Muntik na akong matawa ng malakas dahil nauutal pa sya habang nagtatanong

"Umayos ka nga. Bakit parang kinakabahan ka?"- natatawang tanong ko kaya naman bigla nyang inayos ang pustura nya

"Okay na"- sabi nya

"Tanungin mo ulit ako pero gusto ko yung may effort"- sabi ko bago umalis

Naiwan naman syang nakatulala doon.

Papayag naman talaga akong magpaligaw. Gusto ko lang makita kung paano mag effort ang isang Thomas Andrew. Deserve ko naman siguro yung surprises. Ako na ito oh!

Campus Princesses And Campus Heartthrobs IHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin