Chapter 6 ~

6.1K 200 12
                                    


CLARISSE' POV

"Ano ba yan! Akala ko ba alam nyo na to? Bakit hindi parin sabay sabay!?"-sigaw ko

Kasi naman! Nasayaw na namin to dati okay naman yung performance namin dati bakit ngayon ganto yan!

"PIA! UMAYOS KA NGA! WAG MO IUWI DITO YUNG PROBLEMA MO!"-sigaw ni Shekinah sa kanya

Kanina pa kasi siya nakatulala. Lagi pa mali ang step

"Magpahinga muna tayo"-sabi ko kasi baka mag away away pa

"Sorry guys. Wala lang talaga ko sa mood ngayon"-sabi ni Pia

"Bakit ba kasi? Anong problema?" -Andrea

"Wala. Ewan ko wala talaga kong gana eh"-sabi ni Pia

"Sure kang hindi mo alam? Baka naman dahil kay Louis Kenji yan?"-Andrea

Tapos nanlaki mata ni Pia

"Bakit? Anong meron sa Louis kenji na yun?"-Shekinah tapos tumingin sakin pero nagkibit-balikat lang ako

"H-hindi yun. W-wala. Basta"-sabi ni Pia

"Sure ka? Wait! May gusto ka na ba dun?"-tanong ko then namula sya bigla

"OMG! Seryoso? Pia naman! Baka padalos dalos ka jan!"-sabi ko

"Ano ba! Hindi! Wala akong gusto dun"-sabi nya

"Sure ka? Baka naman nagdedeny ka lang ah"-sabi ni Andrea

"Wala nga akong gusto dun! Kulit nyo! Magpractice na nga lang"-sabi naman ni Pia

"Okay. Game"-sagot ko

Pia's POV

Pia! Umayos ka nga. Hindi ka naman ganyan. Hindi naman ako inlove dun eh.
Hindi nga ba.. No. No.
Bakit ka maiinlove dun, lagi ka nga iniinis non. Lagi ka pag binubwisit. Impossible talagang mainlove ako dun.

"Okay game"- sabi ni Clarisse

Infairness hindi nangulit ang luka. Anong nakain nun?

-

*after 3Hrs*

"Yey! After 3hours natapos din!"- sabi ni Andrea

"Andrea samahan mo ko sa kusina. Magluto tayo nagugutom ako"- sabi ni Shekinah

"Nae~"- sagot naman ni Andrea

"Bakit ba kasi ganon ka kanina?"

"Oh sht!"- sigaw ko

"Oa? Gulat na gulat?"- sabi ni Clarisse

"Kasi naman! Ang hina nung boses mo katakot!"- sabi ko sabay simangot

"Bakit nga ganon ka kanina? Imposibleng wala kang problema kasi hindi ka ganon sumayaw"- sabi nya

Akala ko hindi na nya maaalala. Hay.

"Hindi ko nga alam. Ang weird talaga ng pakiramdam ko"-sabi ko sa kanya

"Kelan pa?"- tanong nya ..

"Kahapon lang. Nung iniinis ako ni Louis.. "

Oh sht.

"Louis? So sya nga ang reason? I knew it"- sabi nya

"Sorry. Hindi ko naman sinasadya mag sinungaling kanina. Hindi lang talaga ko sure. Naguguluhan talaga ko eh. Sorry na be.. H'wag ka magagalit sakin"- sabi ko

"Daming sinabi. May sinabi ba ko na galit ako? Wala naman, right? Kaya kumalma ka jan"- sabi nya naman

"Mahal mo ba? "- tanong nya bigla

"Ewan"- sabi ko

"Anong ewan? Abnormal ka ba? Hindi mo alam kung mahal mo yung isang tao?"

"Abnormal agad? Mahal agad? Hindi pwedeng na-attract lang? "- sabi ko sa kanya sabay pout

"Ya! Stop that! Crush crush ka dyan"- sabi nya

"Girl, let's eat!"- sigaw ni andrea at shekinah mula kusina

"Ingay naman! Hoy hindi pa tayo tapos!"- sabi ni clarisse

-

Alas kwatro na nga pala ng hapon. At bukas na sayaw sa school.

Ano kaya gagawin nila Louis?
Bakit ko ba sya iniisip!?

"Kung ayaw mo kumain pakisabi. Sayang yung food kung tutusuk-tusukin mo lang"- sabi ni Shekinah

Tinignan ko silang tatlo na nakatingin pala sakin

Si Clarisse hindi ko alam kung masama tingin sakin or ganon talaga tumingin

"Hindi ako naka death glare ganyan talaga ko tumingin kaya tumigil ka jan"- sabi ni clarisse

Gash. Mind reader na ba sya?

"At hindi rin ako mind reader. Madali lang basahin yang itsura mo. Kumain ka nga ng pang-tao"- singhal nya

"Maka-pangtao ka naman! Tingin mo sakin hindi tao?"- tanong ko

"Minsan"- matipid nyang sagot

Wow-

"Hindi na ko kakain. Wala akong gana"- sagot ko

Tapos iniligpit ko na yung plato ko at dumeretso sa kwarto. Wala na ko lalong gana kumain. Bakit ang hard sakin ni Clarisse ngayon? Wala naman akong ginagawa sa kanya ah.

*knock*

"Pasok.."- sabi ko habang nakaharap kay Bart the simpson

"Sorry"

Nagulat ako nung si Clarisse pala yung kumatok at mas nagulat ako nung nagsorry sya

"Bakit ka nagso-sorry?"- tanong ko kahit alam ko naman. Baka kasi iba iniisip nya

"Kasi ang harsh ko sayo. Ganto naman na ko dati pa diba.."- sabi nya

"oo pero hindi ganyan kalala. Alam mo namang i'm not okay tapos susungitan mo ko"- sabi ko

"Malala? Panong malala eh diba sanay na kayo sa ugali ko?"- medyo tumaas boses nya

"H'wag kang sumigaw okay? Dati kapag may problema kami minsan tatanong mo lang kung bakit tapos wala na pero ngayon.. ewan. Sorry baka sensitive lang ako ngayon"- sabi ko

"Mm. Sorry din. Sabihin mo nalang sakin problema mo kapag okay ka na.And I promise, hindi kita ija-judge"- sabi nya tapos nagsmile ng konti

Sana bumalik na sya sa dati

"Kumain ka na. Bagong luto yan. Tinapon mo kasi yung isa"- sabi nya

"Opo. Salamat. Ibababa ko nalang pagkatapos"- sabi ko

"Okay. Sorry ulit"- sabi nya sabay labas ng kwarto ko

Pagkatapos kong kumain, ibinaba ko na yung pinagkainan ko at hinugasan yun. 7pm palang pero inaantok na ko
Tulog na din ata yung tatlo. Napagod siguro.  Hay. Kinakabahan ako bukas

Pag akyat ko ng kwarto, nag twitter muna ko

4 new Followers?

@CarlSteven_Kang
@Lee_ThomasAndrew
@JanIan_Lee
@Jung_LouisKenji

Eh? Bakit nila ko pina-follow? Paano nila nakita account ko? Saan nila yun nakuha?
Ay ewan. Bahala sila! Hindi ko sila ipa-followback!

Followback na nga !!

Campus Princesses And Campus Heartthrobs IWhere stories live. Discover now