Chapter 14 : Can you keep a secret?

251K 13.2K 6.5K
                                    

Puma's  Point of View 

Monday.  6:45 am. Kanina pa ako nakaupo sa sofa. Naghihintay. Bihis na bihis na ako, pwedeng-pwede na akong umalis papuntang school pero hinhintay ko parin siya. Magmula pa noon ay nakagawian na namin ni Chord na mag-commute every monday. Dahilan namin noon ang pagiging coding ng kotse ng parents namin (coincidentally) hanggang sa naging habit na namin.

6:45 am tapos 7am magsisimula ang classes. Mauupakan ko na talaga tong si Chord pag na-late kami. Antagal niya! Dapat kanina pa siya dito. Nasa kabilang village lamang siya kaya dapat kanina pa siya dito. Nahuli siguro 'yon ng gising.

My cellphone rang and it was the ever so annoying Luigi.

Ayoko sanang sagutin but I figured it might be urgent.

"Bat ka tumawag? Di mo ba alam na nab-bwisit ako sa boses mo?" Pambungad ko sa kanya.

"Puma may sakit ka ba?" Nagtaka ako sa naging tanong niya sa akin.

"If sakit ang pagiging maganda then I really am sick" I said full confidence.

"Aish. Oo na wala kang sakit. Aabsent ka ba ngayon?"

"Di ah! hinihintay ko si Chord. Sabay kami every monday" Giit ko.

"Ha? eh kanina pa dito si Chord. Magkasabay silang dumating ni Hurri. Grabe ang sweet nila Puma, may cast sa paa si Hurri kayat panay ang pag-alalay sa kanya ni Chord. Kakainggit. Baliin ko rin kaya ang paa ko para ikaw naman mag-alaga sa akin"

Hindi ako nakapagsalita sa narinig. Ni minsan hindi ko inaasahang gagawin to ni Chord.

"Oy Pumababes? andyan ka pa? Bilis punta ka na dito"

- - - - - - - -

Tagaktak ang pawis at gulong-gulo ang buhok. Kakarating ko lang sa school pero ang mukha ko mas haggard pa kesa sa itsura ko tuwing dismissal. Nakakainis!

"Yan kasi wag masyadong maging dependent" Pang-aasar sa akin ni Luigi kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. 

"Pums okay ka lang? You look horrible" Pahayag naman ni Yani kaya napabuntong-hininga na lang ako. Kasalanan to ni Chord. Hayop siya.

"Asan ang walang hiya kong besprend na uminjan sa akin?" 

"Gaga bat mo sa amin hinahanap eh di natin yun classmate" Tama nga naman si Yani.

"Pero yung girlfriend niya wala dito. Malamang magkasama ang dalawa" Sabi naman ni Luigi. Kaasar!

"Wait Puma wag mong sabihing nagseselos ka?" Agad nakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Yani. Nakakainis, sa tono ng pananalita niya para siyang nanunukso pati narin ang ngiti niya.

"Ako magseselos? Okay lang kayo? Im pissed not jealous!" Giit ko ngunit tinawanan lang ako ni Yani. Si luigi naman, bumalik lang sa kinauupuan niya.

Biglang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang first period. Napatingin ako sa pintuan at kung mamalasin ka nga naman, nahagip pa ng paningin ko ang hayop na si Chord habang inaalalayang makapasok si Hurri sa classroom namin. Saan kaya sila galing? Sabi ni Luigi kanina pa daw sila dumating.

"Omoo! Ang sweet nila!"

"Kakainggit!"

"Sana makahanap din ako ng Boyfriend na kasing sweet ni Chord"

Nakakairita ang bulungan at kantyawan ng mga kaklase ko. Kilig na kilig sila sa dalawa. Tsss. Walang nakakakilig diyan. Wala naman atang gusto si Chord kay Hurri. Di sila bagay. Masyadong maganda si Hurri para sa pangit na yan. Hayop yang si Chord. Hayop. Hayop. Hayop!

"Good morning Puma!"

"Hayop"

"Huh? Anong hayop?"

Bigla akong nabalik sa reyalidad nang makita ko si Hurri na iika-ikang lumapit sa akin. Napakalapad ng ngiti sa mukha niya. Wait si Hurricane ba talaga to? Bakit siya nakangiti? Hindi siya ngumingiti parati ah? 

"Ah..Hindi sabi ko si Luigi mukhang hayop" Palusot ko at inalalayan siyang umupo sa katabi kong armchair.

"Aray naman" Napalingon sa akin si Luigi habang hawak-hawak ang puso niya kaya inisnaban ko na lamang siya.

The whole time nagtataka ako sa kinikilos ni Hurri. Sanay akong hindi siya nakikinig sa teacher pero hindi ako sanay na parati siyang nakangiti. So weird.

"Hey Puma"

"Yep?" Napalingon ako sa kanya. Nakapatong ang mukha niya sa palad niya at parang masaya siya.

"Hindi mo naman gusto si Chord diba. Yung gusto in a romantic way?" Gaya ng dati napailing iling ako. Muli siyang napangiti. "Can you keep a secret?" Without a word, I nodded.

"I like him. And im willing to fix the void in his heart"

END OF CHAPTER 14

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

Chasing HurricaneWhere stories live. Discover now