Chapter 20 : When it rains, It Pours.

289K 13.2K 10.1K
                                    

Puma's Point of View

Hindi ako mapakali. Hindi ko gusto ang nangyayari sa amin ni Hurri. Ayokong magkaroon ng kaaway at higit sa lahat ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin. Sana talaga nagsinungaling nalang ako kay Hurri. Kung sana tumanggi ako, siguro hindi ako namo-mroblema ngayon.

"Pums tara merienda tayo." anyaya sa akin ni Yani pero napailing lang ako. "Sigurado ka?"

"Oo, tatapusin ko muna to." Turo ko sa board na nilalagyan ko ng kung ano-anong palamuti.

"Milagro di ka gutom? Baka may gusto kang ipabili, ako na ang bibili para sayo." Biglang sabat ni Luigi na nakangiti ng nakakaloko.

"Ha-ha-ha. Layas!" Pabiro kong sigaw sa kanya at inisnaban siya.

Nagsi-alisan ang lahat at tanging ako nalang ang natitira sa room. Ugali kong mag-miryenda parati pero wala lang talaga ako sa mood ngayon at isa pa, natatakot akong baka makita ko si Hurri. Natatakot ako sa magiging pakikitungo niya sa akin.

Narinig kong bumukas ng pintuan ng room. Hindi ko nalang ito pinansin kasi abala ako sa pag-aayos ng calligraphy. Sinusubukan kong maging busy para malimutan ko ang problema ko kaso kung mamalasin ka nga naman, biglang naubusan ng ink ang marker na gamit ko.

"Hey paki-abot ng marker na nasa desk ko please! Yung permanent ha!" Sigaw ko habang pilit na hindi gumagalaw para wag madumihan ang masterpiece ko.

"Puma sa buhay nga walang permanente, sa pentlepen pa kaya?!"

Narinig ko palang ang boses niya ay bigla nang bumilis ang tibok ng puso ko. Napakasaya ko dahil andito siya. Sa sobrang saya ko pakiramdam ko unti-unti akong nawawalan ng lakas. Its just like what they say, there's butterflies in my stomach.

"You jerk." Yun na lamang ang nasabi ko nang lumapit si Chord sa akin at tinulungan ako sa pag-lalagay ng designs.

"A hot jerk." Biro pa niya at napangiti. Nakakainis! Naiiyak ako. Masyado ko siyang na-miss, biruin mo yun halos dalawang buwan kaming hindi nag-uusap ng maayos, oo nga nagbabatian kami pero pakiramdam ko hindi siya yung chord na kilala ko. 

"I hate you...." Hindi ko alam kung bakit yun lumabas mula sa bibig ko.

"Bakit akong ginawa ko?"  Napatingin sa akin si Chord na para bang takang-taka. Kulang nalang mag-pout siya.

"I missed you so much that it hurts. Alam mo bang kanina pa ako naiiyak kasi miss na miss na kita? Alam mo bang ang tagal ko ng nagtatampo sayo dahil maka-ilang beses mo akong ini-ichapwera? Alam mo bang matagal na akong nagtatampo sayo pero wala ka man lang ginagawang effort para mawala ang tampo ko sayo? Naiinis ako sayo! Bakit kita nami-miss ng ganito?!!" Sainis koy magkasabay kong naikuyom ang kamao ko. Hindi ko na na-control boses ko't nasigawan siya. Kapwa kami nakatingin sa isa't-isa, halata sa mukha ni Chord ang gulat. A-w-k-w-a-r-d

Shit bakit ko sinabi yun?!

Dali-dali ko na lamang na ibinalik ang tingin ko sa blackboard at nagpatuloy sa pagdidikit. Ilang sandali kaming nabalot ng katahimikan, lalong-bumilis ang tibok ng puso ko at halos manginig ang kamay ko. Nagulat ako nang maramdaman ko ang braso ni chord na bumalot sa balikat ko. Niyakap niya ako patalikod. Napapikit nalang ako. 

"Bakit di mo sinabi?"  tanong niya at bahagyang tumawa. Ipinatong niya ang baba at mga kamay sa balikat ko. Kinakabahan ako, baka marinig niya ang mabilis na tibok ng puso ko kayat siniko ko siya upang mabitawan niya ako. Biglang uminit ang mukha ko, kahit di ako tumingin sa salamin, alam kong namumula na ako.

Chasing HurricaneWhere stories live. Discover now