Chapter 23 : Platonically Not

286K 13.7K 8.9K
                                    

23.

Platonically not

Puma’s Point of View

I feel so badass today, first time ko kasi tong mag cutting classes pero kung tutuusin wala namang lecture ngayon, programs lang so di masyadong kasalanan. Sa totoo lang gusto ko talagang umuwi ng bahay para matulog dahil masama na talaga ang pakiramdam ko kaso may usapan kasi kaming tumambay dito sa park at isa pa favorite place ko talaga to. Dito ako pumupunta sa tuwing mabigat ang loob ko so I might as well be here today.

“Tahimik ka ata? Masama pakiramdam mo?” Tanong sa akin ni Dilly na nakaupo sa katabi kong swing.

“Ugh. I think my head is about to explode.” Napasandal na lamang ako sa kadena.

“Try to have fun Pums. Cooper’s having fun.” Giit ni Dilly.

“Lakasan niyo ang pagtulak! Woohoooo!” Sigaw ng sigaw si Cooper habang aliw na aliw sa pags-swing, nakatayo pa ang baliw.

“Cooper baka masuka ka na. Tama na!” Hingal na hingal na sambit ni Luigi na siyang nagtutulak.

“You guys stop fooling around, bumili nalang nga kayo ng snacks dun.” Sita sa kanila ni Yani kayat tumalon na lamang si Cooper mula sa swing. Baliw talaga.

Sama-sama ang mga boys na bumili ng snacks kaya naiwan na lamang kami ni Yani sa swing. Kanina ko pa talaga napapansin na malungkot siya, siguro sobra siyang nasaktan kanina dahil sa sinabi ni Dilly.

“Yani sorry.” Yun na lamang ang nasabi ko.

“Sorry saan?” Bahagya siyang tumawa.

“Kung di dahil sa kashungaan ko, hindi mahuhulog si Dilly kay Shane. Sorry talaga.” Napayuko na lamang ako.

“Mali ka. Unang beses pa lang nang makilala ni Dilly si Shane ay nahulog na siya dito. Alam ko kasi nandun ako nang gabing yun. Kitang-kita ko ang saya sa mukha ni Dilly habang kausap niya si Shane. Ni-minsan di ko pa nakikita ang sayang yun sa mukha ni Dilly.” Ngumiti si Yani habang nakatanaw sa direksyon nila Dilly, “Love is blind and so is the guy I love. Malas talaga kung ang taong mahal mo di ka mahal. Mabuti ka pa Puma.”

“Anong mabuti ka diyan?” Sarcastic kong sambit.

“Wag ka nang mag-deny, halata namang nahuhulog ka na kay Chord eh. Alam ba yan ni Chord? Kung hindi pa, sabihin mo na bago ka pa maunahan ni Shane. Sa totoo lang gusto ko talagang magkatuluyan sina Chord at Shane para akin nalang si Dilly kaso masakit sa aking makita siyang nasasaktan. Hirap ng sitwasyon no? Gusto ko si Dilly pero may gusto siya kay Shane na may gusto kay Chord, si Chord naman ikaw ang gusto. May gusto rin ata sayo si Luigi. Ikaw naman may gusto kay Chord. Buti pa si Cooper pagkain lang ang gusto.” Nagtawanan kami ni Yani. Maswerte talaga si Cooper.

“Teka anong sabi mo? May gusto sakin si Chord? Psssh! Nababaliw ka na ba?”

“You were friends ever since you were kids. Hindi mo pansin pero yun ang totoo. Alam mo bang hindi talaga niya ako niligawan noon? Sinabi niya lang yun sayo para wag mo na siyang kuliting manligaw ng iba kasi ang totoo tanging ikaw lang ang gusto niya –Ang mahal niya.”

Nagulat ako sa narinig. “I-imposible? Bakit di ko man lang alam?”

Chasing HurricaneWhere stories live. Discover now