CHAPTER 27 (EDITED)

201K 4.1K 211
                                    

Update Date: 08/18/2018

*MARION'S POV*

"Ang tagal naman nun nagpatawag sa atin dito."

"Nasaan na ba iyon? Maghahatid lang kay Karissa ganun katagal?"

"Hala! Baka saan pa sila dumaan dalawa? Baka dumaan pa sila sa –"

"Saan kami dadaan, JAPS?"

Oh ngayon? Mamumutla kayong tatlo dahil narinig ko mga sinabi niyo. At isa pa itong si Japs, mukhang may gusto pa yata ipahiwatig.

"Baka dumaan kayo sa.. sa.. sa MCDO! Malay natin nagutom si Karissa tapos nagdrivethru kayo. Diba Bal?"

"Ewan ko sayo Japs."

Pasalamat ka Japs wala ko sa mood sa mga kalokohan mo.

"Pinatawag ko kayo ngayon dito dahil may mission tayong gagawin."

"WOW! Parang detective conan lang!"

"Pards, anong mission naman yan? Parang seryoso ito ah."

"Tungkol ito kay Karissa."

Oo, seseryosohin ko talaga ang sinabi kong pprotektahan ko siya. Kahit ayaw ng utak ko, pero may nagtutulak sa akin na iyon ang dapat kong gawin ngayon. At para masagawa ko ang mission na sinasabi ko, kailangan ko ang tatlong ito.

"Kailangan ko ng tulong niyo para malaman kung sino ang nasa likod ng mga ito."

"Teka lang Pards, anong ibig mong sabihin?"

"Nararamdaman ko may taong gustong mapahamak si Karissa. Isa na iyon nangyari ngayon."

"Sino naman ang gagawa noon?"

"Iyon ang aalamin natin. Vince, sayo ko ibibigay ang nangyari ngayon. Alamin mo lahat ang dapat mong alamin."

"Makakaasa ka sa akin, Marion."

Ito ang gusto ko sa amin. Kapag usapang seryoso, seryoso talaga kami.

At dahil wala na rin kaming paguusapan, umuwi na rin ang dalawang kambal. Kami na lang ni Nathan ang naiwan dito. Pero ang pinagtataka ko, kanina pa niya ko tinititigan ng kakaiba.

"May problema ba, Pards?"

"Pards, may gusto lang akong sabihin. Alam mong hindi ako tumatalo ng kaibigan."

At pagkatapos niyang sabihin iyon, umalis na siya at iniwan akong naging palaisipan ang huli niyang sinabi.

Is that a Warning or Reminder? 

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Where stories live. Discover now