CHAPTER 87 (EDITED) - LAST CHAPTER

275K 5.4K 3.2K
                                    

THIS IS IT! The final ending is here na! :) hopefully you'll like it.

NOTE: This is already the edited version. :)

*******************************

KARISSA'S POV

"Nawawala si Karissa!" narinig kong sigaw ni Mommy.

Naramdaman ko naman yun malakas na lagabog sa loob ng kwarto ko. At mukhang alam ko na kung sino yun mga dumating.

"ANO?!" Sabay pa talaga si Daddy at Kuya.

Ramdam na ramdam ko na nagpapanic na sila sa loob ng kwarto. Yan ang hirap sa family ko, may pagka-OA minsan. Hindi man lang kasi muna ako icheck dito sa CR ko at nagpanic na silang nawawala ako. Hello? Bawal maligo?

"Hon! Wala dito si Issai! Hindi kaya lumayas siya dahil ayaw niya magpakasal?" hala si Mommy?! May ganun? Well, hindi ko naman sila masisisi dahil ang alam nga pala nila ayaw ko magpakasal.

At bago pa mahimatay si Mommy sa nerbyos, lumabas na rin ako ng CR.

"Mommy! Daddy! Kuya!" BIG smile pa ko niyan! Nakakatuwa un mga mukha nila! Kasi naman, nakanganga lang sila. Akala mo nakakita ng multo.

"Saan ka ba nanggaling?" Tanong sakin ni Kuya Korj.

"Obvious ba? Edi sa CR!" Pero bago pa nila ako tanungin, binomba ko na agad sila ng tanong. "Ano pang ginagawa niyo dito? Hindi pa ba kayo mag-aayos? Malalate ako sa kasal ng dahil sa inyo! Yun makeup artist ko asan na? Yun wedding gown ko nakaready na ba? Yun photographer at videoman?"

Halatang nawindang sila Mommy at Daddy sa mga tanong ko. Si Kuya Korj naman, pa-ilingiling lang.

Umalis na rin silang tatlo para magayos na rin. Ako naman nagbihis na ko at nag-ayos. Everything went well para sa preparation ko para sa kasal ko. But...

*knock*knock*knock*

"Pasok."

"Mam Karissa, may bisita po kayo." Nagtaka naman ako sa sinabi ng maid namin. Imposibleng sina Ciara at Rayne yan dahil nagtext sila sa akin kanina na hindi sila makakadaan dito at ddiretso na sila sa simbahan. Sino naman kaya tong bisita ko? Eh Karissa kasi, kung pinapasok mo na kaya?

"Sige, papasukin mo na."



O______O

Anong ginagawa nilang lahat dito?!

"BOSSING!!!" ito agad ang bungad nila sa akin.

Teka, kailan naman nila ako tinawag na bossing?! Saka bakit nga sila nandito?! Anong ginagawa ng buong CLASS 4-6 sa kwarto ko?!

"Maganda naman pala Bossing natin." Sabi ni Japs habang tinitignan ako ulo hanggang paa.

"Wow! Ang ganda naman pala ng gown mo!" Si Vince naman ang sumunod na bumati sa akin.

"Hindi naman pala panget gown mo, bulag lang siguro si Mr. President." Ano ba tong pinagsasabi ni Jin? Saka paano naman mapapangitan dito sa gown ko si Marion kung hindi pa naman niya nakikita toh?!

Teka nga...

"ANO BANG GINAGAWA NIYO DITO?!!!" sigaw ko sa kanila na mukha naman hindi sila natinag sa sigaw ko.

"Bagay na bagay nga talaga sila. Parehas silang highblood." Sabi ni Nathan at sabay sabay silang tumawa lahat.

Tinitigan ko silang lahat ng masama. Wala bang may balak magpaliwanag sa akin?

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Where stories live. Discover now