CHAPTER 70 (EDITED)

183K 3.4K 264
                                    

Update Date: 01/17/2020

*THIRD'S POV*

Umalis na rin si Nathan sa bahay nila Marion kahit sa loob niya, ayaw niyang umalis dahil alam niyang mapapaamin na niya si Marion sa totoong nangyayari ngayon.

Pero hindi rin siya maka-hindi sa babaeng tumawag sa kanya dahil pakiramdam niya, ito na ang tamang panahon para matapos na lahat ang dapat matapos sa pagitan nila ng babaeng ito.

Pagdating na pagdating niya, nakilala niya agad ang babaeng ka-meet niya kahit naka-disguise pa ito.

Ang babaeng dating sa kanya. Oo, ang imemeet niya ngayong gabi ay ang ex-girlfriend niya. At ang babaeng hanggang ngayon ay may epekto pa din sa kanya. And the girl that still make his heart aching again. That's Steph effect to Nathan.

"Buti dumating ka."

Pagkakita ni Nathan ng mga ngiting iyon galing sa babaeng katapat ngayon, gustong gusto niyang yakapin ito at sabihin kung gaano niya namiss ito pero pinigilan niya ang sarili niya.

"Ano ba gusto mong pagusapan natin?"

Alam niyang nagiging harsh siya sa pagtrato kay Steph pero hindi niya masisisi ang sarili niya. Nakita niyang napayuko si Steph at alam niyang ginawa niya ito para pigilan ang pag-iyak nito. After a while, tumingin ulit ito kay Nathan ng may ngiti ulit. Typical Steph.

"Kumain ka na ba?"

"Tapos na kong kumain."

"I'm sorry kung naka-disguise ako ngayon. I know you're a private person that's why ayokong may makakitang reporters or paparazzi na kasama mo ko. But if you're not comfortable with my disguise, we could change for more private place where there's no people."

"Huwag na since hindi rin naman ako magtatagal."

"But..."

"Puwede magsimula ka na?"

"I just want to explain sana for what—"

"Kung mageexplain ka kung bakit ka umalis, mabuti na lang na umalis na ako."

"Pero hindi mo pa naririnig explanation ko."

"No, narinig ko na. You already told me the reason why you left me. You want to pursue your dream, diba nga?"

"But..."

"Oh, I forgot. Congratulations, you're already the popular Philippine volleyball star player. Natupad mo na rin yun dream mo. At dahil natupad mo na ang dream, ngayon babalik ka na ulit?"

"Could you listen first to my explanation?"

"I already give you 4 years to explain it. Pero ano ginawa mo? Tinanggal mo lahat ng communication natin."

"That's why I need to explain."

"Tanong ko sayo Steph, kapag ba nagexplain ka sa akin ngayon, may mangyayari ba? Happy ending na ba?"

"Nathan, ganun ba kahirap hingin sayo yun chance para makapagexplain ako? I just want to make everything back in normal."

"Sad to say, hindi mo na maibabalik yun."

"I still love you, Nathan."

"Everything had changed, even that words can't change it."

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon