Chapter 2

508K 14.3K 5.6K
                                    

"PAMELA?"


"A-Ate..." takot na sambit ko. Mabilis akong napabalikwas ng bangon nang marinig ko ang boses ni Ate Nita. Kararating lang niya at namimilog ang mga mata niya sa amin ni Macoy. 


Bumangon din agad si Macoy at isinukbit agad ang hood sa kanyang ulo. Pilit niyang itinago ang kanyang mukha sa ate ko.


Lumapit sa amin si Ate gamit ang mabibigat niyang paa. "Anong ginagawa niyo dito sa labas ng bahay?" Tumingin siya kay Macoy at inirapan ito. "At sino namang itong lalaki na ito?"


Napalunok ako. Alam ko nakitang niya kami sa akto. Pero paano ko ipapaliwanag na aksidente lang iyong nangyaring pagulong-gulong namin?


But the good thing is hindi niya nakilala si Macoy. Super crush niya pa naman ito as a member of Black Omega Society.


While the bad thing was, sure galit na si Ate Nita. Iyon nga lang nakikipag-usap ako sa ibang lalaki ay katakut-takot na sermon na ang inaabot ko, ito pa kayang nadatnan niya akong nakapatong kay Macoy?


Napapikit ako. "Ate, pasok na tayo sa loob, kakain na yata–"


"Sino ang lalaking ito, Pamela?!" Tumaas ang tinig niya. Mukhang wala siyang balak palampasin ang naabutan niyang tagpo namin ni Macoy kanina.


Magsasalita sana si Macoy nang unahan ko siya. "B-barkada ko."


"Barkada?" Umangat ang isang kilay ni Ate Nita.


"O-oo. Si Amag nga pala." Pakilala ko sa lalaki.


Shit! Bakit ba amag ang nasabi ko? Siguro kasi amag ng nakaraan.


Nag-igting ang panga ni Macoy habang pinandidilatan ako.


Siniko ko siya nang mahina. "Amag, Ate ko nga pala, si Ate Nita."


Tiim-bagang si Macoy na yumuko. "G-goodevening po." Alam kong minumura na niya ako sa isip niya.


"Amag?" ulit ni Ate Nita na nagtataka. "Amag pangalan niya?"


"Bansag ng barkada sa kanya." Sinikap kong ngumisi.


Ramdam kong nagngingitngit na sa galit si Macoy.


"Amag, gabi na. Baka gusto mong umuwi na." Napahalukipkip si Ate matapos humarap sa lalaki.


Sumabat ako. "P-pauwi na talaga siya, Ate, kaya lang natalisod ako. A-ayun natumba kami."


"Natalisod ka, pero ikaw ang nasa ibabaw niya?"


Ngumuso ako. "Ate, di ako papatol diyan kay Amag." Sabay ngiti ko kay Macoy. "Barkada lang talaga, di ba?"


Retired PlayboyWhere stories live. Discover now