Chapter 23

385K 12.9K 5.5K
                                    

SI MACKY NGA!


"Ano'ng ginagawa mo rito, Macky?!" Gilalas na gilalas ako kung paano nakarating ang batang ito rito—dito sa apartment ni Macario Karangalan Sandoval!


"Sinundan nga kita!" Napalabi ito.


Hinila ko siya at dinala sa isang sulok. "Bakit mo ko sinundan? Paano ka nakapasok dito? Gabing-gabi na, ah! Bakit gising ka pa?"


Napakamot siya. "Ano ba 'yan? Daming tanong!"


Mahinang kinurot ko ang bilbil ng bata. "Aba't nangangatwiran ka pa, ha?!" Gabing-gabi na kasi, paano kung paglabas nito ay napaano ito sa kalsada?!


"Eh, Pampam, sa dami ng tanong mo, alin dun ang uunahin kong sagutin?" Nakanguso ang mapupula niyang labi.


Pinandilatan ko ito.


"Easy!" Boses ni Macoy na umawat sa akin.


Tiningala ko siya. Naka-wig na siya ulit at may pekeng bigote. Naka-pajama siya na nakakairita. Kulay violet na may disenyo na gumamela.


Inabutan niya ako ng tuwalya na tinanggap ko naman. Nakita ko kasi na mukhang bago at hindi pa gamit. Pinunas ko iyon sa basa kong balikat at sa nabasang laylayan ng suot kong blouse.


"'Kaw po ba yung nakabold kanina? Kaw ba yung Amag?" Tanong ni Macky habang nakadapa sa sofa. Mukhang hindi niya napagmasdan ang mukha ni Macoy nang madatnan niya kami sa shower room. Hindi kasi siya apektado ng pagbabagong anyo ni Macoy.


Umupo ang lalaki upang pumantay sa bata. "Ilang taon ka na?" Ginulo niya ang buhok nito.


"Di ko alam, eh. Mahina ako sa numbers!"


Natawa si Macoy. Parang enjoy siyang pagmasdan ito.


Mayamaya ay tumayo siya at humarap sa akin. "'Wag mo na siyang pagalitan. Kawawa naman."


"Hindi naman na." Nang makitang nakangisi sa akin ang bungi-bunging bibig ni Macky ay napatapik ako sa aking noo. "Ang inaaalala ko na lang ngayon ay baka magsumbong 'yan."


"Relax. I think masunurin siyang bata."


"No. No. No." Sunud-sunod akong umiling. "Hindi siya tulad ng ibang batang iniisip mo!"


Napangiti siya. "I think I can handle him." Parang nangangarap sa tuwa ang kanyang mga mata.


"At ano ang gagawin mo, ha?! Sa tingin mo, mapapasunod mo si Macky sa 'yo?!" Hinampas ko siya sa braso. "Kasalanan mo kasi ito! Napakalandi mo!"


Sumasangga siya, pero bakas sa mukha niya ang pang-aasar.


"This is wrong, Macario. Hindi na dapat tayo nagkikita. I have a fiance, and you have fiancee. Mali itong ginagawa natin."

Retired PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon