Chapter 67

1.2K 21 11
                                    

Chapter 67

"Date me" sabi niya kay Kuya OJ

Nabigla kaming dalawa ni kuya Reid, pero si Kuya OJ parang wala man lang narinig. Nagtataka siguro kayo bakit narinig namin kahit may kalayuan sila samin? Diba naka Loud speaker yung phone call kanina? Until now hindi pa binababa ni kuya OJ yung phone.

Iniwan ni Kuya OJ si EJ don tapos pumunta samin

"Reid napano kayo? May nangyare ba?" tanong agad ni kuya OJ nung nasa harap na namin siya

Hindi maalis yung tingin ko kay EJ na nakatayo lang kung saan siya iniwan ni kuya OJ, sinundan niya ng tingin si kuya OJ papunta samin tapos ngumiti siya, yung ngiti niya may kasamang luha, tapos yung Box na dala niya nahulog ulit this time hindi na niya pinulot naglakad nalang siya paalis, sh*t umiiyak siya? Nagpunas siya ng mukha niya habang naglalakad.
Tapos tinaas niya yung kamay above ng ulo niya at nag form ng fist tapos yung tatlong daliri niya in-unfold niya napara bang nagsignal ng go? Bakit???

"CJ ano ba?!" Sigaw ni kuya OJ doon ko lang siya tinignan

"Walang nangyare" sabi ko tapos tumakbo ako para habulin si EJ

"Reid!" Narinig kong sinigawan ni kuya OJ si kuya Reid bahala na sila doon

Naaawa ako kay EJ kasi kahit sandali ko palang siyang nakikilala alam kong strong yung personality niya, kanina nga lang na pinagtanggol niya ako sa prof namin diba? Tapos makikita mo siyang umiyak? Ni hindi nga siya kumurap nung sinigawan siya ni Mrs. Santiago, nasaktan siguro siya una narinig niyang may date si kuya OJ tapos nariject pa siya nung inaya niya ng date, sobrang nakakabilib din siya ang lakas ng loob niya at nakakapagtapat siya ng ganon.

"EJ sandali" sigaw ko

Sobrang bilis niyang maglakad samantalang hirap na hirap ako sa suot kong high heels

"Okay ka lang?" Sabi ko ng maabutan ko siya

Tumango lang siya at ngumiti sakin pero obvious naman na hindi siya, basa pa yung mga pilik mata niya mula sa pag-iyak at yung mukha niya may putik dahil nabasa ng mga luha niya yung lupa sa kamay niya kaninang nagpunas siguro siya

"Pasensya kana kay kuya OJ ganon talaga yon" sabi ko sa kanya tapos tumulo yung luha niya

"Napuwing lang ako dahil sa lupa sa kamay ko, nawawala kasi yung panyo ko" sabi niya tapos nag punas ulit siya ng mukha pero mas dumudumi lang yung mukha niya

"Ah yung panyo mo..." sabi ko tapos hindi ko mahanap tumingin ako sa pinanggalingan ko nasa likod na pala namin sina kuya OJ at kuya Reid

"Baby" si kuya Reid

Tumigil sa pagpupunas si EJ pero hindi siya humaharap sa mga kuya ko

"Blacky yung mga bulaklak mo" sabi ni kuya OJ na hawak yung mga bulaklak na dala ni EJ

May humintong itim sasakyan sa harap namin  tapos sumakay lang si EJ don ng hindi tumitingin tapos naiwan kaming tatlo don

"Anong gagawin ko dito?" Sabi kuya OJ sa hawak niyang black box na may bulaklak

Lumapit ako para kunin sana yung box kaya lang may nakita akong Black na papel tapos may nakasulat sa gold hindi ko mabasa dahil korean yung sulat

"Para sayo yan kuya OJ" sabi ko naalala ko kasi yung sinabi ni EJ na una niyang nakita si kuya OJ kumakanta siya ng korean

"And EJ yung pangalan niya hindi Blacky" sabi ko na naiinis sa kanya

"Bakit ba sinusungitan mo ko?" Tanong niya sakin

Diary ng PangetWhere stories live. Discover now