Chapter 48

17.5K 211 96
                                    

Hinatid nako ng mga kuya ko sa bahay ng lola ko , at dahil daw late na sabi ni mama eh pinilit na niyang dito narin matulog yung mga kuya ko , nung una ayaw nilang pumayag nakakahiya daw kasi pero syempre , close close na sila ni mama , inarte nalang nila yung nahihiya sila gusto lang papilit hahaha syempre joke lang naman yon , wag niyo ng tanungin kung saan sila matutulog dahil gaya ng dati , dating gawi kami samasama sa isang kwarto , buti nalang malaki ang kwarto ko dito .


"Oh kuya" sabay abot ko ng shorts na susuotin nila , pinanghiram ko pa sila ng shorts kay kuya Jake , medyo nahirapan pa nga ako , kasi tinatanong ni kuya Jake aanhin ko daw ang short niya sabi ko papahiram ko sa mga kuya ko , nabigla siya sinong kuya at gusto niyang makilala , buti nalang napilit ko na bukas nalang makulet panaman yon .yung tshirt ? Yung sakin yung ipapagamit ko , kasya ? Oo naman kasyang kasya dahil karamihan sa mga tshirt ko eh galing sa kanila pagkasi nagandahan ako sa tshirt ng mga kuya ko hinihingi ko m binibigay naman nila hindi naman madamot mga yan eh .


"Hoy OJ bilisan mo naman dyan" reklamo ni kuya Reid kay kuya OJ na tatlong oras na sa banyo , syempre joke lang mga 30 minutes palang siguro


"Baby dito nalang kasi ako magbibihis eh !" Ayan ngayon sakin naman siya nagrereklamo


"Ih kuya naman eh ! Kahit pa sabihin nating walang malisya di kaba nahihiya sakin?" Tanong ko pero sa totoo lang syempre nahihiya ako like hello , kahit araw araw na kasama ko ang mga yan iba parin pag nakikita ko silang topless ! oMG yung abs nila ! Hala ano ba tong iniisip ko bad CJ ! bad!


"Oo nga naman Reid dikaba nahihiya ? Papakita mo yang fats mo !" Joke ni kuya Neil tapos nagtawanan naman ang iba kong kuya , tapos na kasi silang lahat si kuya reid nalang talaga , ayan kasi ang daming arte nahuli tuloy hahahaha



"Samahan nalang kita sa baba kuya , may banyo pa don" offer ko


Ewan ko ba sa kanila kanina ko pa inooffer ang banyo sa baba ayaw naman nila , ako don ako naghilamos eh .




"Wag na baby hintayin ko nalang si OJ" sabi niya tapos tumahimik nalang siya nahurt ata sa sinabi ni kuya Neil hahahaha



"Salamat naman at natapos ka!" Sarkastikong sabi ni kuya reid kay kuya OJ



"Tssssk" yon lang ang sagot niya hay naku :/



Nakalatag na ang lahat sa sahig , hindi kasi kami kakasyang lahat kung sa kama kami kaya eto naglatang ako ng tatlong comforter sa sahig para magkasya kaming walo , paglabas na paglabas ni kuya Reid eh nagtanong agad ako .




"So ano na ? Pano niyo nalaman kung nasaan ako ?" Excited na tanong ko


"Bukas nalang matulog na tayo" sabi ng hari ng kasungitan sabay higa sa comforter nakahiga na ang lahat maliban sakin na upo sa kama ko


"Eh ngayon na kuya" sabi ko


"Oo nga baby bukas nalang , late nadin alam ko pagod ka kaya magpahinga kana" si kuya Neil buti pa siya sweet


"Eh hindi pa naman ako pagod eh" which is true kasi naman buhay na buhay yung diwa ko na malaman kung pano nila ako nakita


"Kung ikaw hindi pagod , kami pagod nag byahe kami all the way from pampanga upto here kaya pwede wag kang maingay!" Sino paba ? Edi si kuya OJ


Oo nga pala bumyahe sila tapos nagpunta pa sa event kaya pagod nga siguro sila
Di ko na ipagpipilitan may bukas pa naman eh, tumabi nako sa tabi ni kuya OJ tinulak tulak ko nga para magkasya ako eh


Diary ng PangetWhere stories live. Discover now