Chapter 1

12 0 0
                                    

Huminto ang sinasakyan namin sa tapat nang isang napakalaking gate. Kulay puti ito at talagang napakataas. Nanlaki ang mata ko. As in puting-puti talaga dahil wala kang makikitang bahid nang dumi sa gate.

Seriously? Feeling ko nasa gitna kami nang kagubatan. Puro malalaking puno kasi ang dinadaanan namin

"Where are we?" I asked my mother as i faced her. Sya ang nagda-drive at nasa passenger seat naman ako.

"In St. Harvey Academy"

Nagtataka ko syang tinignan. Nandito na kami? Binalik ko ang tingin sa malaking gate na nasa harapan ko.

Naalala ko yung pinakita nyang picture sakin last 2 months nung kinausap nya ako. Nasisiguro kong hindi ganito ang itsura nun.

"Hindi ganito ang itsura nang gate sa picture na ipakita mo" I said coldly.

She slightly laughed. "Ofcourse dear. Ibang picture talaga ang pinakita ko sayo. Mahigpit na ipinagbabawal nang eskwelahan ang paglalabas nang litraro nang paaralan kahit na gate lang"

Edi sana hindi mo na lang ako binigyan nang picture. I can't believe na fake yung picture na tinititigan ko gabi-gabi. Crap.

Humingi kasi ako sa kanya nang copy nung picture at itinago sa room ko. Nagandahan kasi ako sa litrato nang St. Harvey tapos peke pala shit.

Narinig kong tumunog ang lock nang sasakyan. Ini-unlock na pala ni mama yun tsaka sya lumabas.

"Prepare your luggage, Kailangan mo nang pumasok. Bawal ang ma-late"

Nakabusangot ang mukha na binuksan ko ang pinto at dumeretso sa compartment. Inilabas ko ang tatlong malalaking maleta na naglalaman nang mga damit at gamit ko.

Nito ko lang din nalaman na boarding school pala tong St. Harvey. Isang araw kong inipon at inilagay sa maleta ang mga gamit ko. Actually kulang pa nga to e. Nag-iwan na lang ako kahit labag sa loob ko.

Mukhang disidido talaga ang pamilya ko na umalis na ako sa bahay na yon. They want me to live and learn here. I sighed.

It's been what? 4 months? It's been 4 months nung kausapin ako ni mama na mag-aral dito at panalunin ang kung ano mang contest na yan.

Totoo pala talaga na mahirap makapasok dito. Tatlong buwan at kalahati ang  test na ginawa ko. Araw-araw akong may baking lesson at tatlo kong kapatid na lalaki ang nagtuturo sakin. There was time na parang gusto ko nang sumuko since i'm always ended up ruining and burning the cakes. Marami akong ingredients na sinayang. But i guess, I'm still lucky right? Alam kong ramdam nila na sinasadya ko yun pero hindi nila ako pinuna at nagpakumbaba silang turuan ako.

Marami pang akong test na ginawa sa loob nang apat na buwan. May mga sinagutan akong test papers na up to 500, considering na lahat nang tanong ay patungkol sa baking. Till now hindi ko parin alam ang score na nakuha ko sa test.

I'm sure na nakapasa ako pagdating dun sa testpapers kasi hindi naman ako makakapag enroll dito kung may mabagsak akong ni isa man sa mga test.

The last test naman na ginawa ko ay nagbake ako nang cake na gawa ko mag-isa. It's a strawberry tart na hawig nang Blueberry tart ni lola. May nagpuntang isang taga St. Harvey sa bahay para tikman yung ginawa ko. He didn't say anything at umalis na kagad kasi marami pa daw syang iche-check na enrollees.

I'm too confident na masarap ang binake ko.

My mother said na it's normal na aalis nang walang comment ang lalaki then one week passed akala ko hindi ako natanggap kasi wala man lang tawag galing sa St. Harvey samin. Nagulat na lang ako isang araw nung pumunta ako nang mail box sa gate namin then i saw the  papers saying na pasado ako.

St. Harvey AcademyWhere stories live. Discover now