Chapter 3

5.8K 153 4
                                    


Hinintay kong huminahon si Mr. Figueroa bago ko siya tuluyang ilayo saking mga bisig. Nanginginig parin siya habang patuloy na humihikbi. Para siyang may matinding pinagdaanan na may kinalaman sa dilim. Ano bang klaseng takot ang hatid sa kanya ng dilim?

"Si-Sir? Ayos lang ho ba kayo? Gusto niyo po bang dalhin ko kayo sa ospital? Nanginginig po kasi kayo?" takot na pagtatanong ko parin sa kanya. Wala kasi akong ibang maisip na paraan para pakalmahin siya.

Nakatitig lang siya sa sahig at nangingintab ang kanyang pisngi dahil sa luhang kanina pa dumadaloy sa kanyang mga mata.

Ilang saglit pa ay huminahon na siya. Hindi ko na inalala na nakakapit parin siya sakin na parang takot na takot siyang iwanan ko.

"A-ayos na po ba ang pakiramdam niyo Sir?" muli kong tanong sa kanya. Tumango lang siya at agad na dumistansya sakin.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya na makita mo ako sa ganung kalagayan. But, thank you for staying with me."

Napatango lang ako at pinilit na ngumiti sa kanya. Pakiramdam ko nakita ko siya sa pinakamahinang pagkakataon sa buhay niya. Hindi ko na gustong malaman pa kung bakit siya natatakot sa dilim. Dahil hindi ko naman siya kilala. Ayokong makialam sa buhay niya.

Pero sa mga oras na yun, parang pinagtagpo talaga kami ng pagkakataon. Hindi ko alam ang tawag sa pakiramdam na yun. Parang responsable ako sa nangyari sa kanya.

"Eh Sir.. Wala hong kaso yun sakin. Hindi ko lang po inaasahan na natatakot po pala kayo sa dilim." mahinahon kong tugon sa kanya.

Napatungo nalang siya at parang nag iipon ulit ng lakas para tuluyan nang lisanin ang lugar. Pero muli siyang nag angat ng tingin at tiningnan niya ako ng deritso sa aking mata. Para akong namamagnet sa paraan ng pagtitig niya sakin. Anong nangyayari sakin?

"I had a bad experience with the darkness. And I should not be telling that to you. We barely know each other."

Naintindihan ko siya. Ako rin naman, hindi ko magagawang magkwento ng nakaraan ko ng basta basta nalang.

"Thank you again for doing that Ezra. But, we should get out of here. Malalim na ang gabi. Alam kong maaga pa ang trabaho niyo bukas." napalitan na ng magaan na tono ang boses niya. Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

"Wala po yun Sir.. Nagkataon lang po talaga na nangyari yun."

Gusto ko pa sana dagdagan ang sasabihin ko sa kanya pero parang masiyado na akong nakikialam sa kanya. Isang hamak na katulad ko ay hindi dapat makipagkaibigan sa tulad niyang mayaman. Isang imposibleng bagay.

Naglakad na siya palabas ng lobby ng building at tinahak ang hagdan pababa. Sinundan ko naman siya. Napahinto naman siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Napahinto din naman ako sa aking kinatatayuan.

"Ihahatid na kita pauwi." usal niya na kinagulat ko. Ano daw? Ihahatid niya ako? Seryoso siya? Hindi ba siya natatakot na baka may masamang balak ako sa kanya?

"Ah--eh Sir.. Nakakahiya po. Hayaan niyo na, malapit lang naman po ang aking inuuwian. Kaya ko na pong maglakad pauwi sa amin." pagdadahilan ko nalang dahil ayoko talagang magkaron nang anumang kaugnayan sa kanya. Hindi ako nababagay makisalamuha sa mga tulad niyang nasa alta sociedad. Mayayaman. Mapera.

"I insist. I should return the favor for what you did to me earlier. Kulang pa nga ito. So come on now, sumakay ka na sa kotse." pamimilit pa niya. Binuksan niya ang pinto ng driver's seat at naghintay siya sakin.

Hindi parin ako makapaniwala na ang isang tulad ni Mr. Figueroa ay magmamagandang loob sa isang katulad ko.

Ibinaba niya ang salamin ng bintana ng kotse at hinarap niya ako.

Ezrael (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon