Chapter 4

5.7K 152 4
                                    


    Disclaimer: I do not own the photos on the media section. Ezrael on the media section. (😍)

     
      Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti nang sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ni Sir Robert. Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla nalang akong naaapektuhan sa mga ginagawa niya.

      Lumapit ako sa kanya dahil alam kong may kailangan siya. Pero nakakapagtaka din, bakit siya nandito? Anong kailangan niya?

     "I did not finished checking everything last night kaya bumalik ako dito ngayong araw. And I want you to come with me, let us tour the site together." usal naman niya na kinagulat ko. Anong ibig sabihin niya?

    "Eh-- Sir, ang mga site engineer po ang dapat sumama sa inyo maglibot sa buong lugar. Hindi ko po pwedeng gawin yun. Construction worker lang po ako dito." pagdadahilan ko pa. Kahit saang anggulo tingnan, wala akong karapatan.

     "Tinatanggihan mo ba ako?" may halong pagkadismaya sa boses niya. Nakalukot ang noo niya . Nakakatakot siya kapag ganun ang kanyang itsura.

    "Naku, Sir Robert hindi sa ganun.. Nag aalala lang po ako. Baka anong isipin ng mga kasamahan ko at ng iba pang tao na dapat ginagawa ang trabaho na yun sa halip na ako po." mahabang paliwanag ko naman sa kanya.

   Napangiti nalang siya bigla. Pabago bago ang kanyang emosyon.

       "Wala silang pakialam kung sino ang gusto kong isama, o kung sino ang kasama ko. I am the boss here." madiin niyang sabi sa huling binitawan niya. Napatungo nalang ako. Wala na talaga akong magagawa.

      "So, shall we Ezra? I told you, I am not patient." dagdag pa niya at wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanya.

   Napatingin ako sa mga kaibigan ko at naririnig ko parin ang tawanan nila. Humanda sila sakin mamaya.

     Nahiya pa ako lalo dahil, sweatshirts na may kalumaan na ang suot ko at nakapantalon lang ako na may mga mumunting punit. Napapalingon ako sa mga taong kanina pa nakatingin sa aming direksyon. Iba iba ang naaninag kong reaksiyon.

    Sino naman kasi ang hindi mapapalingon, isang mayamang lalaki kasama ang isang construction worker at sa sobrang pagkakalapit namin ay nakakaasiwa tingnan.

    "They don't know anything. Kaya huwag mo na silang pansinin pa." basag niya sa pananahimik ko.

    Hindi nalang din ako nagsalita at sumunod nalang sa kanya sa paglilibot. Para lang akong anino niya na nakabuntot sa kanya. Hindi ko na pinansin ang mga kasamahan ko sa construction na nag uusap habang dumadaan kami ni Sir Robert.

      "How long have you been working as a construction worker, Ezra?" tanong niya sakin pero nakatingin parin siya ng deritso. Tumungo lang ang ulo ko sa dinadaan namin dahil nahihiya parin talaga ako sa ginagawa kong pagsama sa kanya.

     "Ah-- Ano Sir, apat na taon na po ako sa Carkos Construction." sagot ko nalang sa kanya. May bahid parin ng hiya ang boses ko.

     "How much do you earn?" tanong niya pa at napatingin na ako sa kanya. Ang seryoso niyang tingnan kapag ganito ang ugali niyang pinapakita. Nakita ko na ang takot at masaya niyang pagkatao. Pero ang nakakamangha sakin ay ang pagiging seryoso niya. Pinapakita niya ang kanyang pagiging isang makapangyarihang tao. At lahat ng gusto niya ay dapat masunod.

     Ito ang gusto kong buhay. Ang buhay ni Sir Robert. Pero hindi lahat ng tao ay nabibiyayaan ng yaman. Hindi lahat ng tao ay may kakayahang maging mayaman.

     "Minimum lang po ang sweldo namin. Linggohan ang sweldo namin. Kahit papano, nakakatulong na po sa aking pamilya."

    "You mean, you are married? May asawa ka na?" may halong pag usisa sa boses ni Sir Robert. Napatingin siya sakin at ngayon ay nasilayan ko ang lukot na noo niya. Bakit bigla siyang nagtanong kung may asawa na ako?

Ezrael (BxB)Where stories live. Discover now