Chapter 5

5.9K 143 17
                                    


Robert Figueroa on the Media Section. What do you think? 😍

Natapos ang masayang usapan namin ni Cassandra nang magpasya siyang umuwi na sa kanilang bahay. Siguro ay hindi ko narin dapat pang asahan na hanggang ngayon, kahit papano, ay may pagtingin parin siya sakin.

Nanligaw ako sa kanya noong second year highschool palang kami. Pero dahil narin sa lapitin talaga ako ng away at mga maling paratang dahil narin sa aking itsura, ay naging malabo para sa akin ang makuha ang kanyang matamis na "oo". Hanggang natapos nalang kami ng highschool ay wala na akong napala sa pagpupursige kong maging magkasintahan kami.

Napabuntong hininga nalang ako. Ano ba naman ang mapapala niya sa isang katulad ko? Isang hamak na trabahador na kumikita lamang ng sapat para sa isang araw. Hindi niya nanaisin ang ganung buhay. Pero ang mapapangasawa niya, kayang ibigay sa kanya ang lahat ng nanaisin niya.

Napansin ko na wala pang ilaw sa aming bahay pagdating ko. Wala akong natatandaang hindi kami nakapagbayad ng ilaw namin. Pinihit ko ang pinto at bumukas naman ito, nakapagtataka talaga. Binuksan ko ang switch ng ilaw sa gilid ng aming pintuan at wala akong naabutan na kahit sino. Nasaan sila? Si Ethan at Papa?

Hinanap ko ang aking nagkukumahog na cellphone at nadismaya ako dahil wala na pala itong baterya. Agad kong hinanap ang aking charger at nang bumukas ito ay sandamakmak na message ang aking nakuha.

"Kuya.. Si Papa inatake ng altapresiyon niya. Kuya dinala ko po siya sa ospital. Puntahan mo kami dito. Nag aalala ako kay Papa."

"Kuya, asan ka na?"

"Kuya, kailangan kita dito. Mukhang nagstroke si Papa."

Nanginig ang buong katawan ko sa mga nabasa kong mensahe mula sa kapatid ko. Wala sa sarili akong tumakbo palabas ng bahay at agad na nagpara ng tricycle patungo sa pinakamalapit na ospital sa amin. Alam kong doon dinala ni Ethan si Papa.

Sana naman walang masamang nangyari kay Papa. Hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawala pa samin.

Nakarating ako sa ospital. Matapos magbayad ay agad kong tinungo ang emergency room at hinanap ko kaagad ang kapatid ko.

Nakita ko siyang tulala habang hawak hawak ang kanyang cellphone. Kita sa mukha niya ang pag aalala.

"Bunso! Asan si Papa?" taranta kong tanong sa kanya nang makalapit na ako sa kanya.

Hinila niya ako papalapit sa isang nakatabing na hospital bed. Nandoon si Papa at walang malay. Tiningnan ko ang kanyang mukha. Nakangiwi siya at para akong naubusan ng dugo sa aking katawan. Hindi ko inaasahan na magiging ganito katindi ang tama ng altapresyon niya.

"Sabi ng doktor nagstroke daw si Papa. Mabuti nalang daw at nadala ko kaagad sa ospital. Maaring namatay si Papa dahil 210/100 ang kanyang blood pressure."

Napahawak ako sa kamay ni Papa. Napapikit naman ako at isang parte ng isip ko ay sinisisi ko. Bakit napabayaan ko si Papa? Akala ko maayos lang lahat sa kanya. Hindi ko akalain na magkakaganito siya. May edad na si Papa. At alam kong mas mahirap magkaroon ng ganitong kalagayan dahil hindi alam kung ano ang tinamaan sa kanyang katawan. Maaring hindi siya makalakad na. O maaring hindi na siya makabalik pa sa dati.

"Kasalanan ko 'to. Hindi ko namanlang napansin na may karamdaman na pala si Papa. Kasalanan ko 'to" may himutok na saad ko sa kapatid ko.

Hinaplos niya ang likod ko. Alam kong pati siya ay nag aalala sa kalagayan ng aming ama.

"Kuya.. Wala kang kasalanan. Hindi naman natin ginusto na mangyari lahat ng ito. Hindi natin ginustong magkaganyan si Papa." pag alo sa akin ng kapatid ko. Malapit na kasi akong bumigay.

Ezrael (BxB)Where stories live. Discover now