Chap. 1: I am the Victim

527 14 0
                                    

1ST PERSON'S POV

Nandito ako sa hospital kasama si Mama.

"Ano bang gusto mo ha! Wala ka ng ibang binibigay kundi sakit sa ulo, PWede ba Stellar tumino ka naman, parang hindi ka babae sa asta mong yan!! Isa pang  pagkakamali Stellar, huwag na huwag ka ng magpapakita! BAHALA KA NA SA BUHAY MO!, mapapatay kitang bata ka!"

So, this is my mom. Galit sa akin at seryosong nakatingin

OWW

Kinurot ako sa braso. Masakit.
Bago pa magputak ulit si madra at ipahiya ako sa mga pasyente dito sa hospital lumabas na sa silid ang mga hinihintay namin.  Nanlaki ang mata ng babae sa hindi inaasahang sasalubong sa kanila. Ako ang una niyang tiningnan.

May galit siya. Naiintindihan ko naman.
Haist...

"Hello po Madam, Sir, Sorry po sa nangyari. Pwede ba nating pag-usapan ang kaso. Kung gusto niyo po kami na lang ang sasagot sa gastos ng anak niyo ditto sa hospital. "

Nagsimulang magmakaawa si Mama dahil sa ginawa ko_sa kasalanan ko. Sa dulo ng pasilyo ay maraming pasyenteng nagpipila at hinihintay na tawagin sila ng doctor. Napatingin lahat sila sa aming direksyon lalo na ng lumuhod si Mama.

Nagulat ako, nahiya at naawa sa ginawa ng ina ko. Papatayuin ko sana siya pero ayaw niya. Hinawakan ko ulit ang kaniyang braso dahil sa iskandalong sinisimulan niya.

Ma naman eh..

Ayaw ko ng iskandalo pero para matapos na 'to, bahala na.

"Sorry po mam, sir!... gagawin ko po ang lahat, sorry po.." , sabi ko sa kanila at lumuhod. Tumayo naman si Mama at nagulat sa ginawa ko, at ngayon ako ang pinapatayo pero nanatili akong nakaluhod nagbabasakaling tamaan ang mag-asawa ng kabaitan.

"Sorry po... ", saad ko ulit.
"Tumayo ka, iha", seryosong saad ni Mrs. De la Cruz. Bigla akong nanigas dahil ramdam ko ang galit sa tatlong katagang sinabi niya.
Tumayo naman ako.

//PAAAK///

//PAAAKK//

" BWISIT KANG BATA KA!!! ANong akala mo sa akin mapapadaan niyo sa pagluluhod at pagmamakaawa!  Alam niyo bang napilay ang anak ko!,Umalis kayo sa harapan ko. ALIS!!! At ikaw, ano bang pinapakain mo sa anak mo para maging demonyita! Magsama kayo ng demonyita mong anak, ALIS!!"

Lalo akong nagulat at tila nilalamon ng malamig na sahig sa nangyari at sa lakas ng boses ng babaeng nanampal sa akin. Nanatili akong nakayuko at ininda ang sakit sa magkabilang pisngi ko.

Napalunok ako.
Siguro nararapat rin sa akin.

"ANO!!", si Mama. Nilayo niya ako sa babae at ngayo'y nasa likuran niya ako.

//PAK//

Napatingin ako sa harapan at nakita si Mrs.Dela Cruz na nakahawak sa kaniyang namumulang pisngi.

Sinampal ba siya ni Mama?

Napatingin ako kay Mama, galit na galit at kitang kita sa kaniyang mga mata.
Nagsimulang magbulungan ang mga tao sa paligid.

//PAK!//
"Ma, tama na!", awat ko kay mama ng bigla niyang sampalin si mrs. Dela Cruz

"walang hiya ka, sumusobra ka na... Wala kang karapatang sampalin ang anak ko! Nandito na nga kaming humihingi ng tawad", sabat ni Mama.

//PAK//

"MA!"

Galit na talaga si Mama.

Bully ba siya noon?

"AAHH!! WALANG HIYA!" , sigaw ni Mrs.Dela Cruz at sinampal naman si Mama.
Hindi makapaniwala si Ma ng maramdaman ang kamay ng mayaman na dumapo sa kaniyang pisngi.

"Tama na, Clarissa", saad ng asawa ni Mrs.dela Cruz at nilayo ang kaniyang asawa kay Mama.

"AHHHH!!!", lalong sumiklab ang galit ni Mama. Bigla niyang binato ang hawak niyang munting bag pero hindi tumama sa babae.

Sablay Ma...
Pinulot  ko agad ang bag sa paanan niya.

"Ma, huwag ano ba!", hinawakan ko ang braso ni Ma na parang tigreng gustong sunggaban ang nanampal sa kaniya.

Bakit ba kasi niya sinampal ang babae. Ayos na sana eh dahil tanggap ko ang parusa ko.

"CLARISSA!"

Pilit naming inilalayo ang dalawa pero ayaw nilang magpaawat hanggang sa dumating ang ilang mga nurse at pinatigil ang dalawa at kung hindi pa sila hihinahon ay maari silang makasuhan. 

"IKAW!!!! WALANG HIYA KA PAREHO KAYONG DEMONYITA NG ANAK MO!!!", sigaw ni mrs. Dela cruz sa nanay ko habang hawak siya ng kaniyang asawa. Magsasalita sana ulit ang mga dumating na nurse pero agad na sumabat ang inay.

"IKAW ANG DEMONYITA!!!!Paniguradong pinalaki mo ang anak mong gaya mo. Stellar ano ba talaga ang nangyari?", Para akong bubugbugin ni Mama dahil sa kaniyang titig.

"Ah eh..Mam, sir ang totoo po niyan,..*ano ba yan, kinakabahan ko sa dalawang mothers na to*... Ang nangyari po inilagan ko lang ang pagsugod ni Carla kaya po siya nahulog sa hagdan", nakayuko kong saad.

Ngayon lang kasi ako nakakita ng mga magulang na nag-aaway ang malupit pa niyan, nag-away, nagsampalan. Drama ba 'to?

"HINDI TOTOO YAN!!! IDEDEMANDA KO KAYO!!", Sigaw ng babae.

Tumatambol talaga ang puso ko tuwing sumisigaw siya.

"SIGE!!! NArinig mo naman ang anak ko? Siya ang biktima... Buti na lang at nakarma yang bulling anak mo! Heh!", sumbat ni mama kaya muntikan na siyang sugurin ulit ni Mrs. Dela Cruz.

Nakalimutan ba nilang matanda na sila para sa away-pusa?

.>>>FLASH FORWARD<<<.

"Naku, aray.. Ang sakit ng kalmot niya ha. Naku ang mga ganung tao dapat pinapadala sa morge para matahimik. Akala mo kung sino, porke't piloto ang asawa at isa siyang doktora, mamaliitin tayo? NAku, naku... aray"

Aaah.. siya nga pala ulit ang nanay ko.

"At ikaw!!! Umalis ka nga sa harapan ko! Nakakainis ka, kung hinayaan mo sanang sugurin ka ng anak niya edi hindi pa tayo humantong sa ganito. Aishhh!!', bulyaw ni Mama sa akin at binatukan pa ako.

"Ma, bakit ko naman gagawin yun"

"AISHH!! Tong batang to!"

Kaya mahal ko si Mama, kahit ano-anong sinasabi: ipakain kita sa pating!, puputulin ko yang ulo mo,! at higit sa lahat mga salitang hindi mo aasahang sasabihin ng isang ina.. pero ipaglalaban ka pa rin. Pangatlong pagkakataon kaya 'to.

Una sa school namin, hindi ko namang inaasahan na magagandahan sa akin ang campus heartthrob sa school. Gwapo nga naman siya kaya hindi ko naman sinayang ang pagkakataon, first time kong makipagdate sa panahon na yun pero bago pa kami lumabas sinugod agad ako ng obsess na koreanong bakla. Gaya ng nangyari kay Carla, inilagan ko lang ang pagsugod niya kaya nahulog rin. Pero sa pool ,ang masaklap pa dun, tumama ang ulo niya sa tiles, nagkataon pa namang dine-drain ang tubig ng pool kaya naging kritikal ang kondisyon niya.

Ikalawa, ang baseball accident sa school. Same case rin, ako sana ang matatamaan ng baseball ball sa bleachers pero inilagan ko rin at ang p.e  teacher namin ang natamaan. Ang masaklap pa niyan,sa mata niya, at ngayon para na siyang pirata. Yung may takip ang kabilang mata?

At pangatlo, yun si Carla na palaging nang-aaway. Ganun siguro pag mayaman, dahil nasa kanila ang lahat nagiging boring na ang kanilang buhay, wala siyang mapagtripan sa school kundi ako. Nagsimula lang naman nung hindi  ko siya binuto na maging class president. Syempre yun rin naman ang trip ko, nayayabangan na rin kasi ako sa babaeng yun, yung palagay niya, lahat nakukuha niya dahil maganda siya at matalino pa.

At sa lahat ng nangyari,.. nakokonsensya naman ako, pero lahat naman yun, aksidente. Kaya isip isip ulit, WALA AKONG KASALANAN.

Multi-Mutation(unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon