CHAP.2: The Accident

349 10 0
                                    

1st PERSON's POV

Market
Inutusan ako ni mama na mamalengke dahil may gagawin siya. Mag-isa ko pero kaya ko naman kaya okay lang.

>>>Flash forward <<<<

Pauwi na ako ng may nadadaanan akong mga tatlong Indian boys, yung isa nakakatakot ang bigote at lahat sila nakakatakot ang tangkad. May kinakausap silang morenang dalaga, parang kaedad ko rin. Naka-mini skirts ito at kitang kita ang cycling sa loob, nakasando ito at kitang kita ang strap ng bra. Napangiwi ako sa nasilayan.

Narinig ko ang pinag-uusapan ng mga lalaki dahil nasa likuran lang nila ako habang binabasa ang naka-dikit na poster sa maruming pader.

Missing, Morgan Santiago, 18 years old of ****, Height: 5'0', Female Contact **** if you see her. Reward= 10, 000 pesos

Marami nang nawawalang mga kabataan ngayon... At parang may mawawala ulit at baka matagpuang patay na kalaunan. Bumaling ako sa mga nakatalikod na matatangkad na Indian habang nilalandi sila ng babae. Napailing ako at nagdadalawang isip kung tulungan siya lalo na't narinig kong pinag-uusapan ng mga lalaki kung paano siya ibenta. At wala siyang ideya sa mangyayri sa kaniya mamaya kung sasama pa siya sa mga dayuhan.

Haist buhay niya 'to eh, baka dun siya sasaya. Prostitution.
Aalis sana ako pero nagitla ako sa sinabi niya.

"Im a virgin. You will enjoy", saad ng babae at bumungisngis pa.

Napaisip ako kung pwedeng ibigay ang kunting pag-iisip ko para naman sana mag hunosdili sa pinagsasabi.

Umiling ulit ako at tumalikod pero huli na nung napansin ako ng mga dayuhan na nakikinig sa kanila.

"Meron pang isa. Mas maganda 'to"(Hindi language), sabi nila.

Salamat naman pero hindi ako gaya niyan.

Hindi ko sila pinansin pero hinawakan ako. Nangatog ako dahil sa pagkasuklam sa nakakadiring kamay ng kung sinong humawak sa malinis kong pulsuhan.

Hinila ko ang kamay ko pero lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak. Nilingon ko siya, hindi sa mukha kundi sa kamay na nakahawak sa pulsuhan ko. Napangiwi ako.

"Bitiwan mo"(Hindi), seryoso kong saad.

"Hoo.. yeah.. Marunong siya(Hindi)", saad niya at inalis nag pagkakahawak.

"Tumakbo ka na babae kung ayaw mong kunin ka nila at ibenta. Pero kung gusto mo naman, wala na akong paki kahit mamatay ka man", seryoso kong saad.

Bigla akong hinila ng lalaki at napasubsub ako sa may dibdib niya. Hinaplos niya ang pisngi ko at dahil walang katao-tao dito sa kanto at kahit meron man baka iisipin nilang isa akong puta.

"Ahh.. sigurado ka ba.. Ah eh", hindi makapaniwalang saad ng babae at nag-cross arms pa sa akin habang ang nakaakbay sa kaniya ang isang dayuhan.

"Anong pinagsasabi mo, ganda",(Hindi), saad ng lalaki.
Tinulak ko siya ng marahas, sapat na upang makalayo ako sa nakakasukang amoy sigarilyong lalaki.

"Kayo ba ang kumuha sa nawawalang mga babae?"(Hindi), natawa sila sa inakusa ko sa kanila. Hindi ako sigurado sa sinabi ko lalo na't hindi lang mga kababaihan ang nawawala ngayon na nagkalat ang kanilang mga missing posters sa mga kalsada at sa mga poste.

Inalis ng babae ang pagkakaakabay ng lalaki sa kaniya at biglang kumaripas ng takbo sa di-malamang dahilan. Pero paniguradong takot rin dahil sinabi na niyang virgin pa siya eh. Hahabulin sana siya ng lalaki pero hinayaan rin lang. Ngayon nakatuon ang kanilang atensyon sa bago nilang target. Tatakbo sana ako ng biglang may humablot sa hawak kong basket kung saan nakalagay ang mga binili ko sa palengke. Nahulog ito.
At bago pa nila ako hahawakan ay nakaramdam ako ng inis at hindi nakapag-isip.

"AAHHHH!!!"

Nakakarindi ang kanilang sigaw kaya't napatingin ako sa kanilang lahat.
Napaatras ako sa nasilayan at sa nakita sa kamay ko.

Dugo.

Hindi normal ang mga kuko ko at nakakatakot.
Tiningnan ko sila isa't isa. Sinaksak ko ang dalawa habang naputulan ng kamay ang kasama nila. Nagsisigaw ito at takot na takot.

Dala ng takot kinuha ko agad nag basket at tumakbo. Nakarating ako sa kabilang kanto at pumara agad ng taxi. Nanginginig ang buong katawan ko at hindi makapaniwala.

Anong ginawa ko?

Hindi.. Wala..

Wala akong ginawa.
Wala

3rd Person's POV
Napatingin ang dalaga sa hawak niyang basket. Bigla niya itong nabitawan dahil sa mga dugong tumalsik ditto.
Bigla siyang napaiyak dahil sa takot at pilit na kinukumbinse ang sarili na wala siyang kinalaman sa nagyari kanina lamang. Napatingin siya sa kaniyang mga kuko, normal na ulit ang mga ito.

"Okay ka lang iha?", tanong sa kaniya ng driver.

"... ", tumango lamang si Stellar at pinunasan ang kaniyang mga luha.

Dali dali niyang inalis ang kaniyang jacket at ginamit pamunas sa mga nagtalsikang dugo sa mga binili niya.

Bigla niyang naalala ang nangyari sa kanilang aso nung bata pa siya, nung nasaksak ang aso ng binuhat niya ito habang wala siyang hawak na patalim.
Lalong natakot si Stellar at napakuyom. Nagbabadya ulit ang kaniyang mga luha dahil sa takot na nararamdaman.
Umiling si Stellar..

"Hindi, hindi ako.. wala kong ginawa, wala akong kasalanan", bulong niya sa sarili.

"Iha, okay ka lang?', muling tanong ng lalaki.

Hindi sumagot si Stellar at nanatiling nakayuko habang nakakuyom ang dalawang kamao. Umiiyak siya at gulong gulo sa sarili.

Hindi niya alam kung anong gagawin at kung anong sasabihin sa kaniyang ina kung malaman niya ang nangyari.
Napatingin si Stellar sa labas ng bintana, at napansing iba ang dinadaanan ng taxi.

"Kuya, sa ***address*** po ako", saad ni Stellar.

Hanggang napansin niyang, patungo sila sa stasyon ng pulisya.

"Kuya, ano po to!?", tanong ulit ni Stellar na dumagdag sa kaniyang nararamdamang takot.

"Pasensya na anak", sagot ng mama driver at binilisan ang pagmamaneho patungo sa stasyon ng mga pulis.

"KUYA!!... ANO PO TO!! IHINTO NIYO ANG SASAKYAN!", sigaw ni Stellar pero tila walang naririnig ang lalaki.

Dahil sa takot ay biglang winasak ni Stellar ang bintana ng sasakyan gamit ang kaniyang siko.

"Iha!! Delekado ang ginagawa mo!", saad ng mama driver dahil binuksan ng dalaga ang pintuan. Hindi naman mapalagay ang driver dahil hinawakan niya ang manggas ng dalaga dahil tatalon sana ito at ayaw niyang makaalis ang dalaga sapagkat tila may ginawa itong krimen dahil nakita niya ang nagtalsikang dugo sa damit at sa dala ng dalaga na basket
>>>>

May paparating na sasakyan at nagbubusina ito, mayroong sumisigaw na mga tao sa mga gilid at bago pa makatalon si Stellar sa labas ng sasakyan ay isang malakas na puwersa ang nagpatalsik sa kaniya palabas. At bago pa siya mawalan ng malay ay narinig niya ang pagsabog at naramdaman ang matinding sakit sa kaniyang katawan.
>>>>

Agad nabalitaan ng Psychomutancy Researchers na nakabase sa Pilipinas ang nangyaring aksidente at agad na kumilos upang takpan ang mga ebidensyang maaring magtuturo sa dalaga. Inalis nila ang footage ng cctv sa isang kanto kung saan napatay ng dalaga ang dalawang dayuhan at pinutulan ng kamay ang natitira nilang kasama.

______
______
______
NOTICE:
Bare with me.... Sa mga susunod na chapters, may naka- () close and open parenthetis indicating the language use. The language are not specific but obvious para alam niyo kung anong lahi ang nagsasalita. Gaya ng Japanese instead nihongo na lenggwahe.
Pero filipino ang mga ginamit ko sa kanilang linya..

Maiintindihan niyo rin kung ipagpatuloy niyo ang pagbabasa.

PLease vote for me... @newfe

Multi-Mutation(unedited)Where stories live. Discover now