Kabanata 3

89K 3.7K 1.3K
                                    

Kabanata 3

"I HOPE THIS will be the last time, Miss Abelló." Miss Legazpi told me. I nodded and lowered my head.

"Yes, Ma'am, I'm sorry..."

"Alright, pagbibigyan kita ngayon. This is your first offense and warning, hindi ko ito ilalagay sa records mo pero sa susunod ay hindi na kita pagbibigyan." Aniyang istrikta.

Tumango ako at kinagat ang labi.

"Hindi na po mauulit..." mahinang sabi ko, puno ng paumanhin.

"Aba't dapat lang, maganda ang potensyal mo, Leona. You are ahead of your class, and something like this isn't good for your records. Hindi ko ito sasabihin sa iyong mga magulang sa ngayon," aniya. "Aasahan ko ang sinabi mo, Lena, naiintindihan mo?"

"Opo, Ma'am..." magalang na sagot ko.

"Sige, makakalabas ka na at pakitawag si Mr. Sandejas sa labas. Isa pa iyong batang 'yon! Sakit sa ulo ng magulang at ng unibersidad na ito!" She hissed at nanlaki ang mata ko sa takot doon.

"S-sige po at tatawagin ko..." I bowed a little and turned my back, nang makalabas ay naabutan ko si Ejercito na naroon sa may upuan at may kagat na tangkay ng rosas.

My forehead creased and called his attention.

"Jer, tinatawag ka sa loob," napabalikwas siya, I saw him fixed himself and licked his lower lip.

"How are you? Did that old woman scold you?" aniya sa malambing na tinig.

"No..." umiling ako. "Pinagsabihan lang ako, ikaw ang yari."

Ngumisi siya roon at hinawi ang buhok ko. I watched him fix my hair just behind my ear and I was startled when he lifted the flower and gave it to me.

"Sa 'kin?" I asked, quite amazed.

"Hmm," he smirked.

"Seriously, Ejercito..." tumaas ang kilay ko. "Saan mo 'to kinuha?"

"Do'n sa hardin, pinitas ko, buti hindi ako nakita ni Mang Thomas." My mouth parted, humalakhak naman siya at napailing ako at sinapok ang braso niya.

"Wala kang gagawing matino, 'no?" ngumuso ako pero natuwa rin sa pa-bulaklak niya.

"Oh, siya, tinatawag ka sa loob. You have to be good, you understand me, Jer? Kapag ito nalaman na naman nina Tita, yari ka..." paalala ko.

"Alright, Miss..." he shook his head, his bluish eyes brightened. "I'll do my best to be good, you wait for me here, hmm? I will take you home."

I nodded, nang pumasok siya ay naupo ako sa may bench sa labas ng guidance at inantay siya.

Dinala ko ang rosas sa akin ilong at inamoy bago nangiti. This isn't the first time someone gave me flowers but, this is the first time na talagang nagnakaw pa ng bulaklak sa hardin ng unibersidad para magbigay.

Ito talagang si Ejercito, galante sa panlilibre ng tuhog-tuhog sa labas pero 'yong bulaklak nakaw na pitas lang.

"Lena?" I stopped and saw Floyd in front of me. Napaayos ako ng upo, malumanay akong ngumiti sa kanya at nagsalita.

"Floyd!" I almost flushed when he smiled.

He's too handsome!

"Kumusta ka? Ang balita ko ay na-detention ka?" he inquired.

Bigla akong nakaramdam ng hiya doon.

My crush found out about me being on detention! Nakakahiya!

"Uhmm," biglang nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan.

Paper Planes (Sandejas Siblings: Companion Book)Where stories live. Discover now