Kabanata 4

72.6K 3.5K 441
                                    

Kabanata 4

I REMAINED CARESSING the necklace, a smile never leaving my lips. Humugot ako ng malalim na hininga at gumulong sa kama.

"Bakit ang saya ko?" I whispered and sighed.

Mabilis akong tumayo sa kama at dumiretso sa salamin para titigan ang kwintas. Ang ganda-ganda talaga niya!

I can't get enough! I bit my lip and fixed my hair the side, binalot ko ang katawan ko ng robe at napagdesisyunang lumabas ng terrace para damhin ang malamig na hangin.

I closed my eyes and listened to the soft sound of the wind. Bakit ang oras kapag masaya ay napakabilis? Bakit kapag malungkot ay tila kay bagal?

Hindi ko napansing anong oras na pagkababa namin ni Ejercito sa ferris wheel. Parang hangin lang na dumaan ang kasiyahan ko dahil kailangan na niya akong i-uwi.

Kinabukasan ay masaya kong binati ang mga magulang ko. They were eating in the kitchen when I went down.

"Good morning!" I greeted cheerily.

"Good morning, hija," my Mom said.

I smiled at her, umupo ako sa tabi niya at mabilis na lumapit si yaya para lagyan ako ng plato sa hapag.

"Thank you," I said.

"How's school, Leona?" my father asked me. Natahimik ako, I bit my lip and cleared my throat before answering.

"Good," I said. "Uh, doing good." Ulit ko pang muli.

He gave me a suspicious look, kumalabog ang puso ko sa tingin na iyon na ibinigay niya pero nanatili akong nakangiti at hindi ipinakita ang kaba ko.

"Are we expecting you to be a Com Laude, Leona?" He asked.

"Yes," I breathed. "I will."

Tumango siya, ako nama'y nagbaba ng tingin sa pagkain ko at hindi na umimik. If my parents found out I went to the detention room then I'm dead!

My Papá took me to the university with a message to study hard and make them proud. Of course, I would. Hindi naman mahirap sa akin na maging Com Laude, I can do it!

I know I will. I just have to do good since I'm doing great enough the past times, I just to maintain it.

After studying Political Science maybe, I can be an Intelligence Analyst or a political consultant! Depende, p'wede ring pagsabayin ko ito sa pagmomodelo ko.

Si Ejercito nga ay gustong mag-abogado. I have nothing against that, in fact, he was urging me to be one too but law isn't my life. I mean, I am a good speaker but not to that extent that I can help people out.

Doon si Ejercito magaling, kahit hindi man alam ng ibang mga professor pero pagdating sa larangan na iyan ay bihasa na iyong si Sandejas. I am seeing him attentive when we have subjects regarding law and policies. He was good in both speaking and writing, sa totoo lang ay mas mataas ang grado sa akin ni Jer sa subject na iyon! P'wera na lang sa iba kasi tinatamad daw siya sa mga subject.

Nagtutulungan kaming dalawa, when he's in need to that one particular subject I am good at, I will help him and the other way around. Minsan nga ay napagkakamalan na kaming magkasintahan pero hindi rin naman nila napapatunayan.

Well, Ejercito is too fond of girls! Palaging may lumalapit sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa, miski paghikab niya ay may nakikisigan sa kanya. Minsan nga ay nangulangot 'yon at kung anong pandidiri ko ay siya ring pagkamangha no'ng mga babae niya.

I mean, what's special about this man?

Special child?

Sa isang akbay sa balikat ko ay napasigaw ako sa gulat at nahampas ang libro ko pagkatalon.

Paper Planes (Sandejas Siblings: Companion Book)Where stories live. Discover now