Kabanata 19

57.2K 3.2K 1.6K
                                    

Kabanata 19

MY MOUTH PARTED, nakita ko ang seryosong tingin niya at kahit nagwawala ang puso at nagdadalawang-isip ay dinala ng puso ko ang kamay ko papunta sa kanya.

He gripped on my hand and slowly pulled me closer. Nang magdikit kaming dalawa ay marahang ipinatong niya ang kamay ko sa kanyang balikat.

I felt his hand on my waist, halos mapaso ako sa dalang init ng kamay niya.

Nangilid ang luha ko kaya pasimple akong tumungo at marahang sinabayan siya sa paggalaw.

"Paano kapag wala kang nakitang gusto mong maging asawa pag matanda ka na?" Out of nowhere, Ejercito asked while we're in the middle of the soccerfield.

"Anong klaseng tanong 'yan?" natawa ako at ibinaba ang tingin sa kanya.

He was resting, ginagawang unan ang hita ko.

"Seryosong tanong, Harriet." He opened his eyes and stared at me.

I was quiet but deep inside, my heart is pounding with his smoldering blue eyes...I saw how the blue skies reflected on it.

"Bakit? Para saan?" I asked and brushed his hair.

"Para sa research," he said and I rolled my eyes and flicked his forehead. He groaned, napahawak sa noo niya at sinimangutan ako.

"Harriet!" he whined.

"Lena nga kasi," I snorted. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko at napailing.

"Alam mo, Sandejas, magsuklay ka ng maayos. Baka mamaya may garapata na 'to!"

Napangiwi siya sa sinabi ko at inabot ang pisngi ko at kinurot.

"Excuse me, hon, but my hair smells good!" aniya at tinampal ko ang kamay niya.

"Stop calling me by your endearments, I'm not one of your girls." Reklamo ko.

"Who said you're like them?" His forehead creased.

"Wala," I murmured.

"Wala naman pala, you'll never be like them. You're an exemption for everything, Harriet."

"Paanong exemption?" I asked, confused.

"Basta, sagutin mo muna 'yong tanong ko," aniya.

Napaisip naman ako roon, nang may inilapit sa bibig ko si Jer ay napatingin ako sa kanya.

"Open your mouth," aniya. Tumalima ako at kinain ang chips na ibinigay niya at ngumuya habang nag-iisip.

"Hmm, baka maghanap na lang ako ng kaya kong pakisamahan? O kaya ako na lang mag-isa. Kaya ko naman siguro." I said and I noticed him staring at me.

"Kapag wala ka pang nagustuhan bago ka tumanda..." panimula niya kaya napasulyap ako sa kanya.

"Anong gagawin mo?" I asked.

"Papakasalan kita," he answered and winked. Natampal ko ang noo niya sa gulat.

Sa kabila ng marahang tunog at maraming tao ay mas nanginginabaw ang malakas na kabog ng puso ko. I slowly rested my head on his chest and felt the loud thud in it, too.

Is it fine to assume...that it's beating like that because of me? A wishful thinking but they said...a heart the loves, it hopes too.

Pero impossible na.

I love you, Sandejas.

I whispered in my mind.

Whatever happens, kahit alam kong hindi ka para sa akin, ikaw pa rin ang may-ari ng puso ko. Even if we weren't destined for each other, you will always be my home.

Paper Planes (Sandejas Siblings: Companion Book)Where stories live. Discover now