Chapter one

16.6K 433 11
                                    

Chapter one...

"Ate hangang anong oras ka ba matatapos sa pag lagay ng nail polish? Malate ka na sa job interview mo!" Sigaw ni monica

"Ay palaka ka!"

Nagulat siya sa sigaw ni monica kaya naman nasira tuloy ang black nail polish niya.

"Kasi naman monica eh! Ginulat mo naman ako. Hays! nasira tuloy ang kuko ko!"

"Jusko ate ano yan? Bakit ka nag cutics ng ganyan?! Lagot ka nanaman kay inay eh!"

Lumapit si monica sakanya at pinulot nito ang maruruming damit na nagkalat sa sahig ng kanyang kwarto

"Hays uulitin ko pa tuloy to. Imbis na tapos na eh nasira pa tuloy!" reklamo niya.

"Ate ano ba tong kwarto mo? Kwarto ba to o bodega?" Nakasimangot nitong tanong sakanya habang nililigpit nito ang marurumi niyang damit, mga tissue at bulak na naka-kalat sa sahig

Magulo ang kanyang kwarto. Hindi kasi siya mahilig maglinis. Mas madalas niya pa linisin ang kanyang kuko kaysa sa kanyang kwarto

"Pwede ba monica wag mo nga akong pagalitan. Mas matanda ako sayo ha"

"Eh kasi naman ateang dumi dumi ng kwarto mo. Linis ako ng linis kalat ka naman ng kalat!"

"Wag mo na kaseng linisin. Dudumi din naman yan eh!"

kumuha siya ng acetone upang burahin ang nasirang cutics niya.

"Paano ka makakahanap ng matinong trabaho ate. Nakikita mo pa ba ang sarili mo?" nakakunot nuong tanong nito sakanya habang patuloy padin ito sa pagpulot ng mga kalat sa kanyang kwarto

"Oo nakikita ko pa naman itsura ko..."

"Oh eh anong say mo sa itsura mo ate? Natatakot ka ba ha?"

"Hmm Napapansin ko lalo akong gumaganda sa paglipas ng mga araw---Aray!"

Binato siya nito ng maruming damit at sapul ang kanyang mukha

"Tigilan mo nga yan ate! Look at you! Mukha kang.. mukha kang.. Ewan! Di ko maexplain ate! Tignan mo yang mga hikaw mo. Bakit ang dami niyan? Apat apat ang butas ng tenga mo ate! May hikaw ka pa sa pusod mo! Nakakakilabot na!"

Napangiti siya sa reaksyon ng kanyang kapatid.

"Palibhasa wala kang alam sa fashion!" Biro niya.

Sinubukan niya itong balewalain at tinuloy niya padin ang pag lagay ng cutics sa kanyang kuko.

"Fashion ba yan ate?! Palaging high blood si inay sayo eh! Graduate ka nga ng college pero di ka naman makahanap ng matinong trabaho dahil diyan sa itsura mo--"

"Wala lang talaga taste mga employer--"

"Ate naman! Grow up please! Tigilan mo na yang pagiging baduy err rakista errr basta! Di ko na alam itatawag ko sayo ate eh! "

"Ingit ka lang sa pink hair ko eh." bulong bulong niya habang dakdak ito ng dakdak

"Ate naman.. Haaays kahit kailan talaga wala kang pinapakingan samin.. Bilisan mo na diyan late kana sa interview mo.."

Napabuntong hininga nalang si monica at lumabas na ito ng kwarto niya. Mukhang sumuko na ito sa pagpapangaral sakanya

Napa-iling iling nalang siya. 

"Ano bang problema nila sa anyo ko? Ganito ang uso ngayon eh.."

Niligpit na niya ang kanyang nail polish bag. Panay red and black lang nanan ang mga cutics na laman ng bag na iyon.

MY HANDSOME HATER (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat