chapter three

13.2K 437 12
                                    


"Kuya? Wow i can't believe you remember me today?"

"I have favor for you.."

"I'm fine kuya. Ikaw kamusta ka? Akala ko zombie ka na sa pagtatrabaho eh. May favor ka lang pala akala ko pa naman naalala mo ang pinakagwapo mong kapatid.." Sarcastic nitong sagot sa kabilang linya

"Did you remember liza?"

"The crazy girl? Yung first love mo?"

"Damn it Miguel. Hindi ko first love yun"

Humalakhak ito sa kabilang linya

"So tumawag ka sakin dahil tungkol ito kay ate Liza?"

"Yeah.. wait kailan mo pa siya naging ate? Stop it miguel kilabutan ka naman sa sinasabi mo"

Tumawa muli ito

"Kuya alam ko naman may gusto ka kay ate liza noon pa man ayaw mo lang umamin. Anyway anong favor ba?"

"Gusto ni mommy bigyan ko ng trabaho ang babaeng yun, You know how much i hated her--"

"Haha. Yeah dahil hinalikan ka niya dati?"

Lalo siyang nainis dahil pina-alala pa nito ang dahilan kung bakit inis na inis siya sa babaeng yun..

Flashback...

"Anong ginagawa mo dito sa classroom ko?" Masungit niyang tanong kay Liza. Anak ito ng bestfriend ng kanyang mommy.

Galit ang mukha nito.

"Bwisit ka angelo.."

Gusto niyang matakot dahil kulay itim ang lipstick nito. Higit sa lahat nakakatakot ang eyeliner nito sa mata

Lalo na kalbo ito at walang kilay kaya naman nakakatakot talaga ang itsura nito

Napa-atras siya dahil lumapit ito sakanya. Matangkad siya kaya nakatingala ito habang kinakausap siya

"Pinag kalat mo sa school na sinapian ako?!" Galit na tanong nito sakanya

"Yeah. Nagtatanong sila kung bakit ka kalbo ngayon. I j..just told them na sinapian ka. Pasalamat ka nga hindi ko sinabing nababaliw ka na--aww shit"

Na-out of balance siya dahil tinulak siya nito ng malakas. Napahiga tuloy siya sa semento ng classroom nila. Halos lahat ng mga kaklase niya nakatingin sakanilang dalawa

Nanlaki ang mata niya dahil umupo ito sa kanyang tiyan kaya hindi siya makatayo. Hinawakan nito ang kwelyo ng kanyang uniporme.

"Gwapo ka sana kaso chismoso ka! For your information hindi ako baliw at lalong hindi ako sinasapian!"

Napalunok siya dahil hindi niya inaasahan na mabango ito. Amoy baby cologne ang babaeng ito. Amoy na amoy niya din ang fresh breath nito kahit pa kulay itim ang lipstick nito

"A..Ano bang kinagagalit mo? Edi hindi na kunh hindi! Get off me!"

"May girlfriend kana daw ha?!"

Napakunot ang nuo niya dahil sa tanong nito. Bakit naman ito magagalit kung may girlfriend na siya?

"A..Ano naman pake-alam mo?"

"Shit ka angelo. Sinaktan mo puso ko!"

Hinatak nito ang kwelyo ng kanyang uniform at nanlaki ang kanyang mata dahil bigla siya nitong hinalikan ng madiin na madiin sa kanyang labi

Nagsigawan at nagtili-an ang mga kaklase niya dahil sa ginawa nito

Humiwalay agad ito sa pagkakahalik sakanya. At mabilis na tumakbo palayo sa classroom nila.

MY HANDSOME HATER (Completed)Where stories live. Discover now