Chapter four

14.7K 469 11
                                    

Isinaksak ni Liza ang kanyang earphones habang prente siyang nakaupo sa malambot na sofa ng Hoffman's corporation.

"Ayos ang sarap palang mag hintay dito. Libreng wifi at libreng youtube"

Napangiti siya habang nakikinig siya ng mga love songs sa youtube chanel niya. Madami na siyang video na inupload sa youtube mga kanta niya iyon ngunit wala man lang views ang mga videos niya

Nandito siya ngayon sa lobby ng Hoffman's building dahil hihintayin niya si Angelo. Nangako kasi ito na tutulungan siyang makapag trabaho sa bar ng kapatid nito.

Usapan nila alas siete pa ng gabi ngunit wala naman siyang mapupuntahan na ibang lugar dahil wala siyang pera at hindi din siya pwedeng umuwi sa bahay nila dahil malalaman ng kanyang inay na hindi siya nag apply ng matino

Sinubukan niyang humiga sa sofa dahil sobrang lambot nito. Para bang mas malambot pa ito sa kanyang kama

"Hmm sarap naman tumambay dito.."

Hinubad niya ang kanyang boots. Mabuti nalang walang amoy ang kanyang paa. Ngunit ang mga tao sa paligid niya halos magulat sa kanyang ginawa. Lalo na ng humiga siya sa sofa.

"Amoy baby powder lang to.. Grabe naman mga tao dito.. judgemental"

Binalewala nalang niya ang mga ito. May security guard na lumapit sakanya at kinalabit siya

"Ma'am hindi po pwedeng matulog dito"

Napabuntong hininga siya napapasarap pa naman ang kanyang higa at pakikinig sa mga kanta niya ngunit istorbo ang mga tao dito.

Umupo siyang muli at tinangal niya ang kanyang earphones.

"Manong guard nakikita mo ba itong coat ko ha? Sa big boss niyo to.. Ibig sabihin ka-close ko ang boss niyo dito kaya hayaan mo nakong matulog dito."

"Ikaw pala yan ma'am" mukhang nakilala siya nito

"Aba ikaw pala yung binigyan ko ng bente pesos kanina diba? hayaan mo nako manong guard. masakit po yung sugat ko e"

Napakamot nalang sa ulo ang matandang security guard

Napangiti siya ng umalis na ito.

"Ayos. Minsan talaga gagawa ka ng mabuti sa kapwa mo eh para gumawa din sila ng mabuti sayo hihi.."

Nahiga na uli siya sa sofa at pinikit ang kanyang mata. Hihintayin niya si Angelo hangang alas siete ng gabi. Ibig sabihin may apat na oras pa siya upang matulog sa napakalambot na sofa na iyon

Muling may kumalabit sakanya kaya nainis na siya.

"Manong naman sabi ko naman sainyo kaclose ko ang big boss niyo diba? Wag niyo akong estorbohin baka isumbong ko kayo sakanya" Reklamo niya.

Di na niya binuksan ang kanyang mata dahil sarap na sarap na siya sa kanyang pag pikit

Tinangal nito ang earphones niya kaya napamulat siya ng kanyang mata

"You can't sleep here."

Napatitig siya sa gwapo nitong mukha na halos isang dangkal nalang ang layo sa kanyang mukha

Napaupo tuloy agad siya at sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso

"Palaka ka! ginulat mo naman ako!" napahawak siya sa kanyang dibdib

As usual nakasimangot nanaman ito. Tumayo ito at sinenyasan siya na isuot niya ang kanyang boots

Nagmadali tuloy niyang isinuot ang kanyang boots.

"Kailan pa tayo naging close? At hindi pwedeng tambayan tong opisina ko. This will be the first and last na gagawin mo to. Hindi ka ba nahihiya sa mga tao dito?"

MY HANDSOME HATER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon