Chapter 1

200K 7.9K 2.3K
                                    

Chapter 1: Blackmail

Wala akong nagawa kung hindi ang sumigaw mula sa labas, tinawag ko na si Papa, ang kanyang buong pangalan at maging ang kapatid ko ngunit walang nagbukas ng pinto. Malamang na hindi nila ako naririnig.

Bumuga ako ng hangin. Wala akong ibang choice kung hindi ang akyatin ang gate. Hindi naman ito gaanong kataasan pero mahirap dahil basa at nakapalda pa ako. Ilang beses pa akong napamura nang muntik mahulog dahil sumabit ang palda ko.

Namuo ang galit sa dibdib ko habang iniisip ang lalaki kanina. I helped him but this is what I got in return. Ang dami ko nang kamalasan na nangyari ngayong araw at dumagdag pa siya. Sana lang at hindi ko na siya makita dahil baka bawiin ko lang ang halik na 'yon.

I smiled and silently complimented myself when I passed the climbing gate task safely. Bumuga ako uli ng hangin bago naglakad papunta sa pinto. Inayos ko muna ang uniform kong may putik at pinasadahan ng daliri ang magulo kong buhok.

I was about to knock on the door when it suddenly opened. Tumambad sa akin ang kapatid ko. He was smirking at ang agad kong napansin ay hawak niya ang kanyang phone.

"Delete that, Mikael" I warned him.

"You can climb a gate," he said. "Kung nakaakyat ka sa gate, kaya mo ring pumasok sa kwarto ko nang hindi ko napapansin. Why don't you just admit it?"

I frowned. "Hindi nga ako sabi ang kumuha sa chocolate mo!"

"Liar!"

Pumasok na ako sa loob. Nakasunod ito. Hanggang ngayon ba naman ay inaakusahan niyang ako ang kumuha sa chocolate niya? It's been months since the mystery behind the sudden disappearance of his chocolate. Funny, ako ang sinisisi niya when the incident happened while I was not around.

"Nasa'n si Papa?" tanong ko.

Papasok na sana ako sa kwarto nang lumabas si Papa mula sa kusina. Nagkatinginan kami. Napalunok ako nang mapatingin siya sa uniform ko na marumi. Agad na nagbago ang timpla ng kanyang mukha.

"Ano'ng nangyari?" agad na tanong nito. Mabilis na lumapit siya sa akin para suriin ang katawan ko. "May nangyari bang masama?!"

"P-Pa... Nadapa lang ako," paggawa ko ng alibi.

Pabagsak na binitawan niya ako. "Ito ang sinasabi ko kaya ayokong mag pagabi ka sa pag-uwi. Look at yourself, Mad. You are covered with mud and what's next? Blood?"

I gulped when he started to panic. Nakaramdam ako ng lungkot. It's been almost a year na rin nang mawala si Mama dahil sa isang aksidente nang ginabi ito sa pag-uwi, after that ay mas naging mahigpit sa amin si Papa. Kulang na nga lang ay pagbawalan na niya kaming lumabas.

"Pwede ba nating malamang kung kumain ng chocolate ang isang tao sa pamamagitan ng dugo?" pag-epal na naman ni Mikael. "Can we do it to Ate Mad, Papa? I told you, she stole my chocolate! I have proof in my phone---"

"Mikael," mababang boses na sabi ni Papa.

Ngumuso ang kapatid ko bago dumiretso sa sofa at umupo na lang do'n. Masama pa rin ang tingin niya sa akin.

I looked at my dad. "Look, Dad. I am so sorry. May school project kami, kinailangan naming mag-stay sa library for research. Hindi namin napansin ang oras---"

"Reasons, Mad, reasons," he cut me out.

Hindi na ako nag-abalang magsalita pa. Nakatitig lang ako kay Dad, I can still see the familiar pain in his eyes. I don't know what to feel anymore. Gusto kong mag move on na kami sa parteng iyon ng buhay namin dahil alam kong 'yon din ang gugustuhing mangyari ni Mama kung sakaling may pagkakataon siyang sabihin 'yon.

Every GameWhere stories live. Discover now