Chapter 15

118K 6.1K 1.8K
                                    

Chapter 15: Lighthouse

Sa sobrang bagsak ng pakiramdam ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako sa ingay mula sa labas ng kwarto, sa pangunguna ni Mikael. Bumangon ako sa kama at tumingin ng oras sa phone ko. Pasado ala sais na rin pala.

Humarap ako sa salamin para magsuklay. Pinasadahan ko ng kamay ang nalukot kong damit. Bahagya pa ring namumula ang aking mga mata dala ng matinding pag-iyak kanina.

I forced a feeble smile on my lips, facading what just happened.

I'm still not feeling good but I have no choice but to face them. Ayokong mag-alala sila sa akin, lalo na si Mikael. Naninibago pa rin ito sa mga pangyayari at ayokong mas makadagdag ang dinadala ko. He's still too young to understand cumbersome things all at once.

Pagkalabas ko ay tumambad sa akin ang dalawang lalaki na tutok na tutok sa cell phone. Hindi nila ako napansin dahil sa sobrang pagkaabala. Mabilis din ang pagpindot na ginagawa nila sa screen ng cell phone.

"Help me here, Kuya!" pasigaw na sabi ni Mikael. Naka-uniform pa rin ito.

Umangat ang tingin ni Rocky sa akin. "Retreat ka muna," sagot nito habang nakatingin pa rin sa akin.

"Alis ka riyan, Kuya!" sigaw ni Kael bahagya pang siniko si Rocky para matauhan. "You're being attacked. Focus."

Walang nagawa si Rocky kung hindi ang tumingin uli sa cell phone.

Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Wala pa si Papa. Napagpasyahan ko nang magsaing para pagdating niya ay ulam na lang ang lulutuin. Hinugasan ko rin ang mga maruming kasangkapan.

I just woke up but I am already drained. Gusto ko na lang uli humiga sa kama at yakapin ang mga unan ko. I'm so feeble to move, to talk, or to confront anyone. But I can't get that knowing Rocky is here.

"Napuyat ata talaga kita nang husto?"

Napatalon ako sa biglaang pagsulpot ni Rocky. Natigilan ako sa pagpupunas ng kasangkapan para harapin siya at bigyan ng isang masamang tingin. Nanatili itong nakatayo sa bungad ng kusina, nakasandal sa pader, nakahalukipkip habang nakatingin sa akin.

"If you are here for the task, I can't leave yet," I said. Ipinagpatuloy ko ang pagpapatuyo sa mga natirang kasangkapan at doon itinuon ang tingin. "Kailangan kong magpaalam kay Papa. I was scolded last night. You know? Masyado na tayong ginabi."

Binagalan ko ang pagpupunas nang malapit na akong matapos. Natatakot akong mawalan ng pagkakaabahalan at mapilitang tumingin sa kanya. Hindi man niya malaman ang totoo ay maaari naman siyang magduda.

I still don't want to talk about it yet.

"Is that it?" dinig kong tanong niya. "I heard from Mikael that you didn't get to finish your class today. Masyado ba kitang naabala? Am I consuming your time too much of your time?"

I refrained from answering that question. "You can either wait for my Dad or go back tomorrow. But I can't really leave without asking for his permission. Lalo na mag-isa lang si Mikael dito sa bahay."

Napilitan akong tumiginin sa kanya nang matapos na ako.

"Tasks lang ba ang naalala mo kapag nakikita ako?" tanong niya. Bumuntong-hininga ito bago lumapit sa akin. "I came here not for task. I just want to ask you out, I mean... Kael and you. May gusto sana akong ipakita."

Tumitig ito sa akin. Kumunot ang noo niya kaya naalarma ako. Baka may napansin siya sa akin na kahina-hinala.

Mabilis na tumalikod ako at nilapitan ang sinasaing ko. Sa sobrang pagkabahala ay nawakan ko ang mainit na parte no'n.

Every GameWhere stories live. Discover now