Chapter 2

9.6K 361 4
                                    

Shan Airelle Luis POV

"My name is..."

"Uyy, wag kang pabitin! Di ka artista okay?"

"Bakit may sinabi ba akong artista ako?"

"Bakit sinabi ko rin bang nag sabi ka?"

"Bakit sinabi ko rin bang sinabi mo na sinabi ko?"

"Bakit sinabi ko rin bang sinabi ko ang sinabi mo?"

"Bakit--- wait, ang gulo, di ko na maintindihan"

"Then you lose"

Agad ko namang iniikot ang mata ko bago humarap sa kaniya

"Just tell me, what's your name, then we're cool"

"Tss... Fine, my name is Nathan Clyde Stan, nice to meet you Shan Airelle Luis"

Aniya at kinuha ang kamay ko bago 'yon hinalikan, tss... May gentle side din pala ang manyak!

Now, mapapatunayan ko ng may maginoo ngang medyo--- no, Hindi medyo, bastos talaga, sagad!

"Oh, hello Nathan, Aalis na ako, okay? Bye bye, see yah around!"

Ani ko bago siya inirapan at binangga ang braso niya, papasok na sana ako sa next subject ng mag ring ang phone ko, kaya agad ko naman yung sinagot

Mom calling...

"Hello, mom!"

Masayang wika ko, at sumandal sa pader dito sa third floor

"My lovely daughter, I have something to announce, 'di'ko alam kung matutuwa ka or malulungkot sa i-a-announce ko baby daughter"

"Mom, I'm not a baby!"

"Hahaha yeah, my baby daughter"

"Mom!"

"Okay, okay"

"So ano ang ibabalita mo mom?"

"May aasikasuhin lang ako sa Paris, at babalik siguro year or month, walang kasiguraduhan baby daughter, is it okay to you?"

"As if I have a choice"

"But don't worry my baby daughter! Babantayan ka naman ng apat na anak ng kasyosyo ko sa business world"

"No need, mom, I can take care of my self"

"But baby daughter!"

"Fine mom! Fine! I'll hung up now, late na late na ako sa next subject ko, talk to yah later!"

Magiliw na ani ko at in-end call ang tawag bago napabuntong hininga at Hindi nalang tumuloy sa next sub.

Umakyat ako sa rooftop at dun nag mukmuk, Hindi pa kami nag kakalayo ng mom ko ng ganung katagal Kaya naman di ko alam kung ano ang ire-react

I'm a Mama's girl! Fuck it!

Ano ba kasi ang gagawin niya dun? Nakakainis! Maiiwan ako sa apat na di'ko kilala, pano kung maldita pala ang mga yun? O kaya maldito? God!! Ayaw ko ng kaaway!

"I will miss you, mom"

Bulong ko sa hangin at agad na napabuntong hininga at babalik na sana sa loob ng makita ko si Mr. Blue hair na nasa harap ng pinto

Living with the Four Maniacs Where stories live. Discover now