Chapter 28

3.2K 141 1
                                    

Shan Airelle Luis POV

Dahan dahan Kong iminulat ang mata ko at nag Simula na namang tumulo ang mga luha ko

Agad Kong pinunasan yun at dali daling tumayo, kumuha pa muna ako ng isang jacket dahil sobrang dilim pa sa labas, Hindi nga siguro ako nakatulog ng maayos ehh

Dahan dahan akong bumaba nakarinig pa ako ng ingay sa baba ng teresa pero dumeretso na ako at duman sa likod ng bahay

Takbo nalang ang ginawa ko, papalabas ng village para Hindi ko magising si Nathan kung natutulog na ito

At ng makalabas ako ng village namin, pumara ako ng taxi, and lucky me, kasi nakakuha pa ako

"Sa Luis Village po."

Sabi ko dun sa driver tumango naman ito at nag Simula ng mag maneho

Napayakap naman ako sa sarili dahil sa lamig ng aircon dito sa loob ng taxi

"Ahh, manong, pwede po bang hinaan mo yung aircon? Kanina pa po kasi ako giniginaw."

Hindi naman ito nag salita at ginawa nalang ang gusto ko

At ng makarating na kami sa sinabi Kong village ay binayaran ko na siya at dumeretso na ako papasok, pero Hindi pa man ako nakakapasok ay hinarangan na ako ng guard

"Sino po ang binibisita niyo, ma'am?"

Tanong ng guard, sumulyap naman ako sa loob ng village at nahagip ko ang bahay naming wala ng ilaw

"Manong guard, dito po ako nakatira, please... Papasukin niyo na ako."

"Dito ka nakatira? Ba't Hindi kita kilala?"

"Manong guard, please..."

"Fine! Anong pangalan mo at ng ma tsek ko kung taga rito ka nga ba..."

"Shan Airelle Luis..."

Sabi ko agad naman siyang napatingin sa'kin at agad na hinawakan ang mag kabilang balikat ko

"Ma'am! Ikaw na ba yan? Lumaki ka na ahh! Dati ang liit liit mo pa."

Natatawang ani nito bago ako igaya papasok sa loob ng village, agad naman akong tumakbo papasok sa loob ng bahay namin at bumungad ang madilim na paligid

Agad ko namang binuksan ang switch ng ilaw sa gilid ko at ng bumukas ito ay bumungad sa'kin ang maayos na paligid, agad akong napatakbo sa loob ng kwarto ni mom, and to my surprise, malinis yun, yung para bang Hindi dinaanan ng patayan

Agad akong umupo malapit sa sahig kung Saan nila binaril si mom at hinaplos yun, sunod sunod na namang luha ang dumaloy sa'king pisnge at mas lalong napahagulhol ng maalala ang itsura nitong duguan

Iwinaksi ko nalang ito sa isipan ko at dahan dahang pinunasan ang mga luha ko

Agad namang nag flashback sa isipan ko ang sinabi ni mom

"Keep this thing safe okay? And take care..."

Sabi ni mom kaya dahan dahan akong tumayo at nilapitan ang shelf na yun, pinakatitigan mabuti, bahagya ko pang hinaplos ang ikatlong palapag ng shelf at gagalawin na sana ang librong bubukas sa pintong yun ng makarinig ako ng kalabog at ang sunod sunod na mga yabag ng kung sino kaya natatarantang sinarado ko ang pinto at dali daling ginalaw yung libro para bumukas ang sekretong pinto

At pagkatungtong na pagkatungtong ko palang sa loob ng sekretong kwartong yun ay bumungad na naman sa'kin ang madilim na kapaligiran pero Hindi yun ang nakakuha ng atensiyon ko kundi ang mga ala-alang pasok ng pasok sa utak ko

Living with the Four Maniacs Where stories live. Discover now