Chapter 25

3.9K 163 2
                                    

Shan Airelle Luis POV

"Galing sa puso my ass!"

Inis kunwaring usal ko habang nag sasayaw kami

"Galing naman kasi talaga yun sa puso ko baby, 'di mo ba nakita? Nandun ka rin kaya sa puso ko, imposible namang 'di mo nakita."

Nakangising sabi niya at kinindatan ako, kaya inirapan ko nalang siya para maitago ang ngiting gustong kumawala sa labi ko

"Tss... Pwedeng umupo na tayo?"

Tanong ko, umiling iling naman siya at mas lalo pang inilapit ang katawan ko sa katawan niya

"Ayaw. Baka tumakas ka pag pinakawalan kita, tapos, mag hahanap ka ng iba, tapos, mag papakasal na kayo, tapos, tapos, tapos..."

Sabi niya at parang nag iisip kaya napangisi naman ako bago siya binatukan

"Ang OA mo, uupo lang mag hahanap na agad ako ng iba? Tss..."

Sabi ko at umiling iling sa kaniya, bago inilibot ang tingin sa buong paligid

"Walang katao tao dito, makakahanap ba ako?"

Mapangasar na tugon ko kaya agad namang nandilim ang mata niya bago mas lalong inilapit ang katawan ko sa katawan niya

"So, may plano ka nga?"

"Pano kung sabihin Kong oo?"

"Edi Hindi kita papayagan."

"Hinihingi ko ba ang permiso mo?"

"Hindi, pero akin ka kaya may karapatan ako."

Sabi niya kaya agad napaawang ang labi ko at dahan dahang namula ang mukha ko bago lumabas ang kanina ko pa tinatagong ngiti

"Pinapakilig mo ba ako?"

"Umeepekto ba?"

Dahil sa sinabi niya ay mas lalo akong namula kaya napangisi siya

"Sa tingin ko, Hindi ko na kailangang tanungin, kitang kita ko naman sa mukha mo na kilig na kilig ka ehh."

Mahina ko naman siyang hinampas na ikinatawa niya, niyakap niya naman ako then kiss my forehead bago ako iginaya paupo sa upuan namin kanina

"Napagod ba kita?"

Tanong niya kaya mas lalo akong namula, ako lang ba, or may iba talagang ibig sabihin ang meaning na yun?

"A-ahh, Hindi..."

"Teka? May sakit ka ba baby? Gusto mo, umuwi na tayo?"

Tanong niya tumango nalang ako, kaya maingat niya naman akong hinawakan at maingat na iginaya papalabas ng restaurant na 'to

"Dito ka lang okay? Kukuhanin ko lang ang sasakyan sa parking lot, okay?"

Tango nalang ang sagot ko dahil kanina pa ako naiilang at ng makaalis na siya ay nakahinga ako ng maluwag pero agad akong nagulat ng bigla na lang siyang sumulpot sa harapan ko dala ang nag alala niyang mukha

"Wag kang makikipag usap sa ibang lalake ahh?".

Tanong niya tumango nalang ako at pilit siyang pinagtatabuyan pero agad din naman siyang bumalik pag ka balik na pagkabalik ko sa pwestong pinag iwanan niya sa'kin

"Wag na wag kang makikipag usap sa mga lalake, okay? Tapos wag kang lalapit sa kanila at pag may lumapit man sayo, sabihin mong may boyfriend ka"

"Ba't ko naman sasabihin na may boyfriend ako kung wala naman, ayokong mag sinungaling."

Living with the Four Maniacs Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum