Secret Nights - 22

301K 3.2K 251
                                    


After three years...

"Are you really sure about this, Amber?" narinig kong tanong ni Klaus habang palabas ako ng malaking bahay ko na matatagpuan sa Pueblo, Colorado. Si Klaus ang abogado at isa sa pinakamalapit na kaibigan ng namayapa kong asawa na si Shawn.

"We've already talked about this countless of time, Klaus. Aren't we? I'm going back to the Philippines and no one can stop me now. Not even you," medyo irritable nang sagot ko sa kanya. Paano ay ilang beses na naming napag-usapan ang bagay na 'to. And now he's bringing up this topic again. Pero alam ko din kung bakit ayaw akong pauwiin ni Klaus ng Pilipinas.

The guy likes me. Sinabi niya iyon sa akin isang buwan matapos mamatay ng asawa kong si Shawn.

"Don't worry, I'll be back soon. I promise. Before you knew it, I'm already here. So don't be sad, okay?" pang-aalo ko pa sa kanya.

"Okay. Just don't forget to call me from time to time," aniya.

"I will, Klaus." At sumakay na ako sa kotseng nasa harap namin. Sa harap ng manibela ay si Red na ilang taon nang naninilbihan kay Shawn. Inayos ko lang ang scarf na nasa leeg ko saka ko siya sinenyasan na pwede na kaming bumiyahe.

After almost a year of living her in Colorado ay makakauwi na rin ako sa Pilipinas sa wakas. I love Colorado pero wala pa rin pala talagang tatalo sa bansang kinalakihan ko. Besides, kailangan kong umuwi upang maisakatuparan ko na ang mga planong matagal nang nasa isip ko.

I can't wait to have a taste of my sweet revenge...

Pagdating sa airport ay hinila ko ang nag-iisang trolley na naglalaman ng mga pinakamahahalagang bagay sa buhay ko. Hnidi na ako nagdala masyado ng mga damit dahil hindi ko rin naman iyon masyadong magagamit sa Pilipinas dahil ibang-iba ang klima ng Colorado sa Pilipinas.

Magsha-shopping na lang ako ng mga bagong damit pagkarating ko doon. Nang nakaupo na ako sa business class seat ng eroplano ay tinakpan ko ng headphone ang magkabila kong tainga. At habang tumutugtog ang instrumental piece ng kantang "What Matters Most" ni Kenny Rankin, hinayaan kong balikan sa isip ko ang mga nangyari sa buhay ko bago ako mapadpad ng USA.....

  

 *****

ITINIKLOP ko ang binabasang libro at saka patamad na nag-inat ng mga kamay. Tumayo ako sa puting second hand na upuan na nabili ko kasama ang pabilog na mesa na murang ibenenta sa akin ng kapitbahay kong si Sasha na may-ari ng isa sa pinakakilalang parlor dito sa lugar namin sa Marilao, Bulacan.

Napaungol ako nang buksan ko ang maliit na rice cooker ko at nakitang wala na pala akong kanin. Tinatamad na akong magsaing kaya sa may kanto na lang siguro ako kakain. Tutal malapit nang mag ala-una.

Bibit ang nag-iisa kong tuwalya ay pumasok ako ng banyo at mabilis na naligo. Quarter to twelve ay nasa karinderya na 'ko ni kuya Max. Dito ako madalas kumain kasi bukod sa masarap na ang pagkain, mabait at cute pa ang may-ari na si kuya Max. Biyudo siya at may isang anak.

"Ang aga natin ngayon, ah?" puna niya sa akin nang nakaupo na ako sa paborito kong pwesto.

"May exam kasi kami ngayon. Saka alam mo na, graduating student kaya kailangang magsipag-sipagan," nakangiting sagot ko.

Hinainan ako ni kuya Max ng kanin at isang order ng gulay. Alam na alam na niya ang inoorder ko kaya no need nang sabihan siya. Umiiwas ako sa karne o baboy dahil una, hindi maganda sa health. Pangalawa, masakit sa bulsa para sa isang katulad ko na working student.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Where stories live. Discover now