Secret Nights - 34

272K 3.9K 996
                                    


AMBER'S POV



Buong araw akong naligalig dahil sa painting na iyon. Walang return address ang papel na iniabot ng delivery boy sa akin kanina kaya hindi ko mahulaan kung kanino nga iyon galing. Hanggang pagsapit ng hapon ay iniisip kung kanino iyon galing. 



Pilit kong iwinawaksi sa isip ko si Zeke dahil imposible namang sa kanya nang nanggaling ang naturang painting. Zeke is already dead. Nakita mismo ng dalawa kong mga mata nang paglamayan siya.



 Pero bakit may kaunting pag-asa na unti-unting umuusbong sa puso ko? Dahil sa biglang pagsulpot ng misteryosong painting ay tila bagong pag-asa ang lumukob sa puso ko.



 Isang beses pang sinulyapan ko ulit ang painting. Wala naman akong makitang pirma o kahit na anong palatandaan kung sino ang mag gawa ng painting na 'to.



 Lalabas na sana ako sa kwarto ko nang maisipan kong silipin ang likod ng painting. At ganoon na lang ang kabog ng dibdib ko nang makita kong may nakasulat sa pinakababang bahagi ng painting.




                                         This is the fulfilment of my promise to you.

                                                                                                        Z




Wala sa sariling napaupo ako sa gilid ng kama at saka mariing ipinikit ang mga mata ko. This can't be real... My gusto lang sigurong mang trip sa akin. Pero hindi ko maiwasang balikan sa isip ko ang minsan ay sinabi sak akin ni Zeke.



 Alagaan mo rin ang sarili mo, okay? Pagdating ng tamang panahon ay babalikan kita. At pagbalik ko, itutuloy natin 'yong painting mo.



 Literal na bumilis ang dibdib ko pagkaalala sa mga katagang iyon ni Zeke. Nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa gilid ng mga ko nang mag ring ang celphone ko. It was Zach calling.



 "Hi," bati niya sa akin sa malambing na boses.



 Bahagya pa akong lumunok para mawala ang bara na nasa lalamunan ko. "Hello. Kamusta ang araw mo?"



 "It went well. But I missed you. Ako ba na miss mo?" may paglalambing sa boses ni Zach. Bigla akong nakaramdam ng guilt dahil sa buong araw na 'to ay natuon ang isip ko sa misteryosong painting.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Where stories live. Discover now