Secret Nights - 25

300K 3.7K 317
                                    

Aivan says: Natatawa ako sa message nung isang reader ng story na 'to. Ang Secret Nights daw parang teleserye lagi niyang inaabangan ang update gabi-gabi. Hahaha. :D

__________ 

After the earth-shattering sex, Zach took me home. Tahimik lang kami habang bumibiyahe. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa kanya pero agad din akong nagbabawi ng tingin kapag siya naman ang sumusulyap sa 'kin. Para kaming mga timang.

Hanggang sa ihinto ni Zach ang kotse niya sa blue apartment kung saan ako nakatira. Mabuti na lang at ang kinatitirikan ng apartment na 'to ay medyo looban at hindi gaanong lumalabas ang mga kapitbahay ko kaya hindi magiging problema ang pagbaba ko sa kotse.

Huminga ako nang malalim at saka tumingin kay Zach. “Salamat sa paghatid,” tipid na sabi ko sa kanya at saka kinuha ang bag ko na nasa backseat.

Akmang bubuksan ko na ang pinto nang marinig kong magsalita si Zach. “Hindi mo man lang ba ako iimbitahang uminom ng juice or kahit tubig man lang?” tanong niyang hindi tumitingin sa akin.

Napahinto ako dahil sa sinabi niyang iyon. Amber, isang basong tubig lang. Pagbigyan mo na.

“Look, kung ayaw mo naman, okay lang. Bibili na lang ako ng mineral water sa may 7-Eleven,” mabilis na sabi ni Zach nang hindi ako sumagot sa tanong niya kanina. Binuksan ko ang pinto ng kotse at saka bumaba.

“Sumunod ka after five minutes,” sabi at nagmamadaling umakyat na ako ng hagdan. Nasa itaas kasi ang unit na inuupahan ko. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang maayos naman ang apartment ko. In fact, hindi naman talaga ako makalat.

Bahagya pa akong nagulat nang paglingon ko sa pinto ay nakita ko na doon si Zach na nakatayo. “Ang sabi ko five—”

“Nauuhaw na ako,” sagot lang niya bago pumasok na sa loob. Basta na lang siyang umupo sa isa sa dalawang monoblock chairs na nasa malapit sa pinto ng terrace.

Iniabot ko sa kanya ang tubig na galing pa mismo sa gripo. “Ayan. Pasensiya hindi malamig at wala akong ref.” Inisang lagok lang niya ang laman ng baso kaya naisip kong baka uhaw nga talaga siya.

“Matagal ka na dito?” tanong niya habang nililibot ang mata sa loob ng maliit kong apartment. It was a studio type. Sakto lang sa nag-iisang tulad ko. May sariling cr, maliit na lababo at terrace kung saan ako nagsasampay ng mga damit ko kapag naglalaba ako.

Hindi na ako naglagay ng division dahil mas gusto kong nakikita ang kabuuan ng kwarto. Kaunti lang ang gamit ko at karaniwan ay iyong mga importante lang at ginagamit ko araw-araw. Wala akong TV o kahit radyo man lang. Masyado rin naman kasi akong busy sa pag-aaral at saka sa mga raket ko. Maswerte ako dahil napakiusapan ko ang tomboy kong landlord na gawing dalawang libo lang ang upa ko.

Secret Nights [RATED SPG / COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora